Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Matuto sa mga nagma-marijuana
Matuto sa mga nagma-marijuana

Matuto sa mga nagma-marijuana

HABANG nagtatagal ay lalo tayong nabibigla sa mga natutuklasan kaugnay ng marijuana, na noon ay mahigpit na ipinagbabawal sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Dahil maraming pag-aaral at modernong teknolohiya ay nadiskubre sa kasalukuyan na ang marijuana ay gamot, na batid na ng mga sinaunang tao sa loob ng libo-libong taon.

Ngayon ay puwedeng hanguin sa cannabis ang bahagi nito na kung tawagin ay cannabidiol para sa matagumpay na paggamot ng nakapanghihinang kondisyon tulad ng epilepsy.

Sa katunayan ay puwede nang malaman kung ano ang bahagi ng cannabis na higit na makatutulong sa partikular na mga sakit, at kung gaano karami nito ang kailangan para sa pinakamabisang resulta.

READ MORE:  Kolorum na online casino sa PEZA accredited buildings ipinabubusisi ni Pang. Digong

Ang lahat umano ng paggamit ng cannabis ay panggamot kahit hindi ito batid ng gumagamit. May mga sinasadya naman na mag-marijuana bilang pamalit sa mga gamot na nabibili sa botika upang gumaling.

Bukod sa hangaring makadama ng kaluwagan sa ilang sakit, ang iba ay gumagamit ng marijuana upang magising ang kanilang pagiging malikhain, at maunawain sa damdamin ng iba.

Sa Amerika ay may mga nakapanayam na nagsabing ang cannabis ay nakatutulong sa kanilang mag-relax, makatulog, kumalma, mag-isip, nagpapatahimik ng sikmura, at nagiging daan para maayos silang makipag-usap sa mga tao.

Ang medical cannabis ay legal na ngayon sa 23 estado sa Amerika, at inaasahang marami pa ang susunod dito. Nagsimula ito sa Colorado na sinundan ng Washington at ng iba pa. Ang mayorya ng mga Amerikano ay sumusuporta na gawing legal ang marijuana para magamit bilang gamot.

READ MORE:  Ang Bataan (Ikalawa at huling Bahagi)

Ngayon ay tinatalakay na sa ating Kongreso ang pagsasa-legal ng medical marijuana dahil na rin sa napakalaking tulong na naibibigay nito sa paggamot ng epilepsy, neuropathic diseases tulad ng Alzheimer’s at multiple sclerosis, at pati na ang kawalan ng gana sa pagkain na dinaranas ng pasyente matapos sumailalim sa HIV/AIDS treatment o chemotherapy.

Kapag naaprubahan ang medical marijuana ay mababawasan ang pang-aabuso ng ilang tiwaling alagad ng batas, na ginagawang palusot ang panghuhuli sa ilegal na droga upang makikilan ang kanilang mga inaaresto.

READ MORE:  Iligtas natin si Jiro Manio

Ang totoo ay marami ang tinuluyang maparusahan, nakulong at bumubuno ng kung ilang taon sa piitan nang dahil nabigo silang ibigay ang halaga na hinihingi ng mga humuling pulis. Ang iba nga sa kanila ay tinaniman lang ng droga sa katawan.

Kakailanganin maunawaan nang husto ang mga kabutihan na dulot ng medical marijuana bago maaprubahan, at mga paghihigpit na dapat gawin upang hindi ito abusuhin ng may masasamang layunin.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE – Robert B. Roque. Jr.

COMMENTS

About Robert B. Roque, Jr.

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved