Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mandatory mil service ibabalik (Pumukaw ng nasyonalismo)

Mandatory mil service ibabalik (Pumukaw ng nasyonalismo)

NAGTAAS ng kamao si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ng mga batang 4-anyos pataas, sa ginanap na Baden Powell Day (founder’s day) ng World Scout Organization of the Scout Movement and Investiture Ceremony ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), sa Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS)

NAGTAAS ng kamao si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ng mga batang 4-anyos pataas, sa ginanap na Baden Powell Day (founder’s day) ng World Scout Organization of the Scout Movement and Investiture Ceremony ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), sa Malacañang Palace kahapon. (JACK BURGOS)

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang mandatory military service sa Filipinas, u-pang ang bawat mamamayan ay magkaroon ng tsansang magsilbi sa Inang Bayan, at ipagtanggol laban sa manlulupig.

Kapag obligado aniya sumailalim sa pagsasanay militar, nagkakaron ng disiplina ang mamamayan kasabay nang pagpukaw sa nasyonalismo o pagmamahal sa sariling bayan.

“Dapat ibalik talaga ‘yung mandatory. I’ll make it a mandatory exercise during my term. There’s no military training. E ‘yung conscription talagang dapat. You should do — you render duty to your country. E mahirap ‘yung pa-ano-ano walang — hindi ready. E ito kawawa ito o. Do not force me into it because I will really, really do it,” anang Pa-ngulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga batang kasapi ng Kids at Boys Scouts of the Philippines sa Palasyo.

Kailangan aniya ng mga sundalo, boy scouts upang may tagapagtanggol ang Fi-lipinas laban sa mga dayuhang mananakop.

“Kung pasukin tayo ng mga dayo, walang alam itong mga ito kundi mag-inom, mag-droga. Kaya kayo ang inasahan ko. Ready kayo? Ay sagot, anak ng…  Ready ba kayong mag-sundalo? [Cub scouts answer: “Opo.”] Ah ready kayong mag-ROTC ha? Sinong gusto mag-PMA? Philippine Military Academy? [Cub scouts raise their hands] [applause] Okay na tayo,” anang Pangulo sa mga scouter.

“Sinong gustong mag-sundalo? Magpakamatay sa bayan? Bakit may spring ‘yang kamay ninyo? Paganon-ganon. Asahan ko ‘yan ha. Asahan ko ‘yang mag-sundalo kayo, mag-ROTC kayo. At always love your country. Alam mo bakit? Isa lang ang bayan natin wala nang iba. Wala man tayo mapalitan. Gusto nating pumalit ng bayan wala,” dagdag niya.

Tiniyak ng Pangulo na hindi niya bibigyan ng espasyo sa kanyang administrasyon ang mga oligarchs dahil ang kanyang gobyerno ay naka-tuon sa pagsisilbi sa mahihirap.

“That’s what I’ve been telling people. This is not a rich country. We do not even have the middle class here. It’s either the filthy rich, the oligarchs who continue to enjoy the perks dito sa gobyerno. But I tell you I am not giving them any space,” sabi niya.

Noong nakalipas na Pebrero, sinabi ni Duterte, ibabalik niya bilang compulsory subject sa kolehiyo ang Reserved Officers Training Corps (ROTC).

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved