Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Katiwaldas ng mayor sa Bulacan pahirap sa TODA?
Katiwaldas ng mayor sa Bulacan pahirap sa TODA?

Katiwaldas ng mayor sa Bulacan pahirap sa TODA?

THE WHO ang isang tuta ng Mayor sa lalawigan ng Bulacan na halos isumpa ng mga operator at  tricycle driver dahil sa ginagawa nitong panggigipit sa kanila.

Mukhang matindi ang galit n’yo ha!

Ayon sa ating Hunyango, lahat ng kumukuha ng prangkisa ng tricycle o ‘di kaya ay magre-renew ay dumaraan muna sa kanyang mga kamay ang mga dokumento para malaman kung kompleto.

Sa totoo lang ‘di naman siya nanghihingi ng pera o ‘yong padulas para maaprubhan ang prangkisang nilalakad sa tricycle  basta ang kailangan may yellow card kang maipakita raw sa kanya.

READ MORE:  Chiz, dasal pa!

Ito kasing yellow card na ito ay ibinigay daw noong nakaraang eleksiyon ni Mayor bilang patunay na supporter ka niya at ito ngayon ang gate pass mo para mabigyan ng prangkisa.

Anak ng pitong demonyo ‘yan!

Ang hindi kasi malinaw ngayon ay kung may kinalaman si Yorme sa  prosesong ipinapatupad ng bata niyang pulpol din na  hindi pa yata maka-move-on sa nagdaang eleksiyon.

READ MORE:  Mabuhay si P/Supt. Olive Sagaysay

Mas mainam siguro kung idemanda na ninyo si Mayor para makita kung may kinalaman siya sa estilong benggador ng tuta niya.

At dahil nga sa ganyang sistema may mga tricycle na raw na hindi na nakabibiyahe at nagiging pahirap sa mga operator at driver na hindi na nakapapasada,

READ MORE:  Pinakiusapan na nga kayo, ‘di pa kayo naniwala

Heto pa, bukod sa pahirap na siya sa pagkuha ng prangkisa ng tricycle sa kanilang Bayan, nagpapanggap din daw ang damuho na siya ang presidente ng pedersayon ng Tricycle and Operator Driver’s Association (TODA).

Sarap dunggulin ng nguso nito!

Kasumpa-sumpa ka Sir!

Kamukha raw siya ni Lito Lapid in short L.L. boink!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

COMMENTS

About Jethro Sinocruz

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved