Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 katao pinasok sa bahay, pinatay (1 sugatan)

3 katao pinasok sa bahay, pinatay (1 sugatan)

PATAY ang tatlong miyembro ng pamilya Liwanag makaraan pasukin ng armadong kalalakihan, at pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City, sugatan din sa insidente ang 5-anyos apo. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang tatlong miyembro ng pamilya Liwanag makaraan pasukin ng armadong kalalakihan, at pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City, sugatan din sa insidente ang 5-anyos apo. (ALEX MENDOZA)

PATAY ang isang 58-anyos biyuda, kanyang live-in partner, at anak na lalaki, habang sugatan ang 5-anyos apo, makaraan pasukin at pagbabarilin sa kanilang bahay sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

READ MORE:  Pugante patay sa shootout (3 pa arestado)

Agad binawian ng buhay sa insidente si Wilma Liwanag alyas Ada, anak niyang si Aries, 31, at live-in partner niyang si alyas Boy, 60, bunsod ng mga tama ng bala sa kanilang katawan.

READ MORE:  Anti-hazing law rerebyuhin ng fratmen

Habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang 5-anyos na si Albert, anak ni Aries.

Sa imbestigasyon nina PO3 Rommel Caburog, at PO2 Philipp Joseph Reglos, dakong 9:50 pm, nagpapa-hinga sa kanilang bahay sa Blk 3., Lot 8, Phase 9, Package 7, Brgy. 176, Bagong Silang ang mga biktima, nang pasukin ng dalawang lala-king nakasuot ng bonnet at face masks, at sila ay pinagbabaril. Pagkaraan, tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

READ MORE:  Con-ass lusot sa Kamara

Samantala, sinabi ni  Caloocan Police Community Precinct (PCP) 3 Chief Insp. Ronald Cayago, kabilang ang mga biktima sa drug watchlist ng lungsod.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved