Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / TFC, wagi sa 52nd Anvil Awards para sa kampanyang #Vote4ASelfieWorthyPH
TFC, wagi sa 52nd Anvil Awards para sa kampanyang #Vote4ASelfieWorthyPH

TFC, wagi sa 52nd Anvil Awards para sa kampanyang #Vote4ASelfieWorthyPH

MATAPOS maitala ang 2016 elections na may pinakamaraming bilang ng registrants at voters noong 2015 at 2016, patuloy pa ring lumilikha ng kasaysayan ang kampanya para sa overseas voting (OV), partikular na ang The Filipino Channel (TFC). Muling ginawaran ang premyadong network ng Anvil Award para sa ikalawang kampanya na layuning hikayatin ang mga overseas Filipino (OF) na makilahok sa eleksiyon, ang #Vote4ASelfieWorthyPH, sa katatapos na 52nd Anvil Awards.

Unang nanalo ang TFC ng Silver Anvil para sa kampanya nitong “Boto Mo, Kinabukasan ng Bawat Pilipino” noong 2014 para sa isa sa pinakamahusay na PR programs na isinagawa sa isang specific stakeholder, partikular ang OFs.

READ MORE:  Friendship nina Glaiza at Benjamin, ‘di nag-swak kaya ‘di nagkatuluyan

Ngayong 2016, mula sa 402 entries na isinumite para sa naturang kategorya, wagi ng Gold Anvil ang #Vote4ASelfieWorthyPH dahil sa pagsasakatuparan nito ng layuning muling hikayatin ang OFs na magrehistro at bumoto para sa mga susunod na mamumuno na iginawad ng presitihiyosong Public Relations Society of the Philippines (PRSP).

Ayon kay Anvil Awards Committee Chairman Rochelle Gamboa, pinili ang mga nanalo ng isang 33-member jury mula sa public at private sectors na kinabibilangan ng Accredited Public Relations (APR) professionals at executives, pati government officers, para sa kanilang programang makabuluhan ang layunin at nakamit sa pamamagitan ng epektibong PR campaign.

READ MORE:  Bukas Na Lang Kita Mamahalin, mapapanood na ngayon gabi!

Para isakatuparan ang kampanya, umangkla ang kampanya sa hilig ng mga Pinoy na mag-selfie at gamitin ito para ipakita ang realidad na marami pang dapat baguhin, at may kakayanan silang baguhin ito sa pamamagitan ng pagboto.

Ipinahayag ng ABS-CBN Global Head of Corporate Affairs & PR Nerissa Fernandez na ang kampanya ay naging bahagi ng public service ng TFC. “Since the registration and national elections in 2012 and 2013, TFC has been partners with DFA – OVS and COMELEC OFOV and we continued this tie-up for the 2015 registration and the 2016 Presidential elections because we believe that the overseas Filipino vote can positively impact the Philippine electoral landscape.

READ MORE:  The Trial ni John Lloyd cruz highly recommended ng kapwa Kapamilya star

“#Vote4ASelfieWorthyPH recognizes the OF voters and their major role as catalysts for meaningful change. The Anvil Award validates the importance of the work and passion that our team puts into inspiring our kababayans with the help of other Kapamilya teams and stars.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved