Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andi nawindang, custody at visitation ni Jake, ipinaglalaban
Andi nawindang, custody at visitation ni Jake, ipinaglalaban

Andi nawindang, custody at visitation ni Jake, ipinaglalaban

NAGULAT si Andi Eigenmann sa natanggap niyang papeles na isinumite ni Jake Ejercito na petition for joint custody at visitation rights para sa anak nilang si Elliena limang taong gulang na ngayon dahil hindi naman in-acknowledge na siya ang ama sa birth certificate at Eigenmann ang ginagamit ng anak.

“She’s using my name. Nagwe-wait nga ako na i-offer nila (apelyido), wala namang kumakausap sa akin.

“Kaya nga nawi-wirduhan ako kasi may petition na kaagad siya, eh, hindi naman niya in-acknowledge na daughter niya si Ellie.

“Sobrang confused ako kasi powerful sila, ano ba ito, that’s why I have to get a lawyer, pero since nag-iipon ako for building our house, nagtitipid ako, kaya ako na lang ang lawyer ng sarili ko,” paliwanang ni Andi.

NO FINANCIAL SUPPORT,
WALANG KUWENTANG NANAY

Walang financial support na nagmumula kay Jake kaya working hard si Andi dahil single parent siya.

READ MORE:  Sigla ng Malate, nagbalik

Sinabi naman ni Jake nang makausap namin ito na siya ang sasagot sa pag-aaral ng anak.

“Before kasi sa school nila nag-aaral si Ellie, but now, no more kasi ibang school na siya. Kaya lahat ako ang gumagastos,” say pa ng aktres.

Isa pang worry ni Andi na kapag naayos ang papeles ay baka ilayo sa kanya si Ellie.

“Sabi niya kasi rati, it’s for the best, kasi wala akong kuwentang nanay. So irespeto na lang natin, pero sana hindi ganoon ang mangyari,” pahayag pa ng aktres.

At dahil na kay Andi si Ellie ay ang boyfriend niyang si Emilio Arambulo ang naghahatid-sundo kay Ellie sa school dahil nga araw-araw ang tapings niya ng The Greatest Love kaya kapos siya sa oras, ”he’s a big help to me, he’s my helper,” natawang sabi ng aktres.

READ MORE:  OPM suportado ng Javita, inuming pampalusog

Baka ito ang ayaw ni Jake na feeling niya ay inaagawan na siya ng papel kay Ellie bilang ama, ”hello, hindi, sabi nga ni Emilio na never niyang gagawin iyon at gusto nga niya kausapin si Jake para ipaliwanag na wala siyang plano na agawan siya ng puwesto,” katwiran ni Andi.

Sabi pa ng nanay ni Ellie, ”Kaya nga nagugulat ako kasi, lumalaki na si Ellie, she’s 5 years old, do you really think that exposing her to this kind of limelight, will be good for her?”

MISLEAD
ANG GRADUATION
DATE NI ELLIE

As of now ay hindi nahihiram ni Jake si Ellie dahil hindi naman nakikipag-usap sa kanya ang dating karelasyon, ipinadadaan sa ate Jerika nito.

At tungkol sa nakaraang graduation day ni Ellie na sinasabi ni Jake na mislead and date dahil iba ang gusto ni Andi na dumalo sa pagtatapos ng anak, ”I thought it was March 27, birthday din ni Jake, so sabi ko kay ate Ika (Jerika), gusto rin pumunta ng nanay ko (Jaclyn Jose), but since he’s the father, siya ang pinili ko to attend kasi para masaya birthday din niya.

READ MORE:  Echo, exciting nang makatrabaho si Jen

“Eh, nalaman ko sa teacher ni Ellie, stepmom ko, asawa ng dad ko na it’s March 24 pala, so since hindi rin naman nakipag-communicate na sila (Jake or Jerika), si nanay ko na lang pumunta kasi I only have 2 tickets.

“Sa rami ng iniisip ko at trabaho ko, siyempre hindi ko na na-follow up din na it’s March 24 pala ang graduation day, hello.. sana nakikipag-usap sila,” pahayag ni Andi.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved