Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Malubak-lang cong nabubuking sa tabil ng dila?
Malubak-lang cong nabubuking sa tabil ng dila?

Malubak-lang cong nabubuking sa tabil ng dila?

THE WHO si Congressman na unti-unti na yatang naglaladlad ng ‘lihim ng Guadalupe’ ehek!

Ang lihim ng kanyang katauhan dahil na rin sa tabil ng kanyang dila?

Nito lamang nakaraang mga araw nagpunta raw si Congessman sa isang mamahaling restaurant diyan sa Tomas Morato Ave., sa Lungsod Quezon para kumain siyempre.

Natural alangan naman kaya pumunta sa resto si Cong para manood ng sine!

Har har har har!

READ MORE:  Reshuffle sa juicy position sa BJMP at BFP, bakit binabantayan?

Ang siste pagdating sa naturang restaurant, may mga empleyado ng isang munisipyo sa lalawigan ng Bulacan ang nakakita kay Sir at dahil sa sikat siya nagkaroon ng group picture.

Matapos ang photo opportunity, nagka-tsikahan pa at dito naitanong ni Congressman kung saang Distrito at sino ang kanilang Congressman.

Nang malaman kung sino ang congressman ng grupo, aba bigla ba naman nitong ibi-nida ang alindog ng kanyang kabaro sa natu-rang Distrito.

READ MORE:  Kulang ang supply ng koryente sa Occidental Mindoro

Kesyo tisoy at guwapo raw si Congressman ng Bulacan. Malinis sa katawan at maporma at ang pinakamabigat nang sabihin niyang ang bango-bango raw ng kanyang ka-mambabatas kapag pumapasok sa Kamara!

Wahahahahaha! Buchet!

Nahinto lang umano ang pagnanasa ‘este pagku-kuwento ni Cong nang mapansin niyang nagtitinginan na ang grupo!

Kung matatandaan, si Congressman din ‘yong tinalakay natin minsan na lumabas ang kanyang pagiging sireyna habang kinakausap niya ang mga kagawad ng BFP sa Kongreso.

READ MORE:  NBI Intel strikes again!

Kasi naman pumilantik talaga ang kanyang mga kamay at baywang habang nakikipag-usap sabay kumulot-kulot pa ang boses.

Kilalanin kung sino si Congressman, hari sa talino, hari sa prinsipyo pero parang malubak ang katauhan…

Opo malubak!

Malubakla?!

Hak hak hak hak hak!

Tamang hinala!

THE WHO? Scandal – ni Jethro Sinocruz

COMMENTS

About Jethro Sinocruz

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved