Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pelikulang Bomba muling hahamon sa galing ni Allen Dizon
Pelikulang Bomba muling hahamon sa galing ni Allen Dizon

Pelikulang Bomba muling hahamon sa galing ni Allen Dizon

AYAW talagang paawat ang multi-awarded actor na si Allen Dizon sa paghakot ng para-ngal. Kamakailan ay iginawad kay Allen ng FDCP ang Artistic Excellence Award na binigyan siya ng cash incentives dahil sa kanyang unprecedented record ng panalo bilang Best Actor sa local at International filmfest para sa pelikula ni-yang Magkakabaung at Iadya Mo Kami.

Sa 15th Gawad Tanglaw at 19th Gawad Pasado, kapwa hinirang na Best Actor si Allen para sa Iadya Mo Kami. Sa parehong academes based group ay pa-ngatlong pagkapanalo na ito ni Allen. To set the record straight, naka 24 acting awards na si Allen (20 best actor including his Urian Best Actor at limang International Best Actor plus 4 Best Supporting actor).

READ MORE:  Alden, nakahihinayang na nakatengga lang at ‘di binibigyan ng project ng GMA

Sa kabila ng kanyang pag-hahakot ng tropeo ay ayaw pa rin niyang paawat sa paggawa ng makabuluhang pelikula.

Uumpisahan na niya ang Bomba (The Bomb) mula sa panulat at direksiyon ng international acclaimed director na si Ralston Jover. Ang Bomba ay isang social drama ukol sa middle aged disabled man na isang pipi o deaf played by Allen na may madilim na nakalipas at may taboo relationship sa isang 16 years old na teenager na ginagampanan naman ni Angellie Nicholle Sanoy. Isang bawal na pagmamahalan na may malungkot na wakas.

READ MORE:  Pagiging seryosong aktres ni Kim, mapapanood sa Ikaw Lamang (Dahil sa magaling na aktor si Coco…)

Ang pelikula ay metaphor din kung ano ang nagbubunsod sa isang tao upang su-mabog sa sitwasyon ng pag-kagipit o kawalan ng pag-asa. May pasabog na wakas ang kuwento na kaabang-abang. Backdrop sa pelikula ang EJK at kasalukuyang kaganapan sa bansa.

“Bukod sa pagiging deaf, ang daming pagdaraanan ng karakter ko rito. Emotionally, grabe ang tindi pero I took it as a challenge. Iyong ending grabe ‘yun, never ko pang nagawa ang ganoong klaseng acting. Saka most of my scenes puro mata, saka facial expression at ayaw talaga ni Direk Ralston ‘yung uma-akting. Mahirap talaga, pero kakaririn ko,” pahayag ni Allen.

READ MORE:  Alice, one year resident na ng Bora

Bukod kay Allen at Angellie Nicholle, kasama rin sa pelikula sina Alan Paule, Sue Prado, Felixia Dizon, Joel Saracho, Tabs Sumulong, Lucas Dizon, Romeo Lindain, at Kate Brios sa espesyal na papel.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved