Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 82% ng taga-Metro Manila pabor sa drug war ni Duterte — Palasyo
82% ng taga-Metro Manila pabor sa drug war ni Duterte — Palasyo

82% ng taga-Metro Manila pabor sa drug war ni Duterte — Palasyo

LUBOS ang pagtanggap ng mga mamamayan sa drug war ng administrasyon taliwas sa ipinipintang lagim at kawalang pag-asa ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag kahapon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey, na mahigit 8 sa sampu o 82 porsiyento ng mga residente ng Metro Manila ay nakaranas na mas ligtas sila ngayon sa mga lansangan, na resulta ng kampanya ng gobyernong Duterte kontra-illegal drugs.

READ MORE:  Negosyante patay, 8-anyos sugatan sa salpok ng kotse

“We are pleased with the latest Pulse Asia survey showing that more than 8 out of 10 residents of Metro Manila now feel safer in the streets as a result of the government’s drive against illegal drugs.  The Administration’s drug war is well-received by the people on the ground in sharp contrast to the gloom and hopelessness depicted by the President’s critics,” ani Abella.

READ MORE:  Illegal recruiter pa-Japan timbog sa AHTRAD-NBI

Ang paborableng sentimyento aniya ay nagpapasigla at nagpapalakas sa pagpupursige sa anti-drug campaign at umaasa ang Palasyo na ipagpapatuloy ang koo-perasyon sa mga pamayanan, at suporta maging ng mga taong Simbahan , lalo sa implementasyon ng rehabilitation program ng Tokhang surrenderers.

READ MORE:  Tatlong tao sa Davao blast tinutukoy na

“This favorable public sentiment gives us strong impetus to surge ahead in our anti-drug campaign and hope that we continually get the cooperation of the community, and even support of the clergy, especially in the implementation of a rehabilitation program for Tokhang surrenderers,” dagdag ni Abella.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved