Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ritz Azul, binuburo ng Dos; inumpisahang project, naunsiyami
Ritz Azul, binuburo ng Dos; inumpisahang project, naunsiyami

Ritz Azul, binuburo ng Dos; inumpisahang project, naunsiyami

KASAMA sa upcoming serye ng Kapamilya Network si Paulo Avelino viaVictims Of Love, with Lorna Tolentino, Julia Montes, Cherrie Pie Picache, at JC Santos.

Ang tanong, paano na ang project ng actor kasama sina Ritz Azul at Ejay Falcon na The Promise Of Forever?

Hindi ba’t nagkaroon na ito ng presscon last year of May na sinalubong pa bilang Kapamilya star ang aktres? Nagkaroon pa nga ito ng taping sa ibang bansa.

READ MORE:  Quinn Carillo, enjoy katrabaho sina Ana Capri at Ronnie Lazaro

Mag-iisang taon na ito sa May. Shelved na nga ba ito?

Hanggang ngayon naman simula nang lumipat ay wala pa ring regular na serye si Ritz maliban sa mangilan-ngilang guesting. May problema kaya sa aktres?

Kyline Alcantara, umaasang mabibigyan ng malaking proyekto

MABILIS ang panahon. Parang kailan lang ang seryeng Annaliza at ang mga bida nito ay dalagita na tulad ni Kyline Alcantara na katorse ay malaking bulas at maganda.

READ MORE:  Pagde-date nina Paulo at KC, saan nga ba tutungo?

Huling regular serye ng young actress ang Born For You, na pinagbidahan nina Elmo Magalona  at Janella Salvador. Hindi naman siya nawalan ng guesting kahit nasa awkward age dahil sa husay niya sa pagganap.

Napapanood muli siya sa seryeng Wildflower, ni Maja Salvador na gumanap siya bilang young Maja. Kahit pumapasok sa regular school wala namang aw conflict sa kaniyang schedule ang pag-aartista.

READ MORE:  Aktor, may affair sa isang male model?

Tulad ng mga itinuturing ate sa showbiz na sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, at Janella Salvador, umaasa rin si Kai na mabigyan ng malaking project.

YUN NA – Mildred Bacud

COMMENTS

About Mildred Bacud

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved