Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Magdyowa niratrat sa bahay, patay
Magdyowa niratrat sa bahay, patay

Magdyowa niratrat sa bahay, patay

PATAY ang mag-live-in partner na dating nagtutulak at gumagamit ng droga, makaraan pasukin sa kanilang bahay at pinagbabaril ng apat hindi nakilalang mga suspek sa Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga biktimang sina Ariesto Sanchez, 29, at Gina Sepida, 35, kapwa residente ng Block 10, Lot 7, Eagle St., Area 6, Brgy. Bagong Silangan.

Sa imbestigasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 6:00 pm kamakalawa, pinasok ng apat maskaradong mga suspek ang bahay ng mga biktima, at sila ay pinagbabaril.

Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek lulan ng dalawang motorsiklo.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top