Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dagoy new PSG chief
Dagoy new PSG chief

Dagoy new PSG chief

BANGKOK, Thailand – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya sa pagtatalaga kay bagong Presidential Security Group (PSG) commander, Col. Louie Dagoy ngayong hapon, sa PSG Headquarters sa Otis, Paco, Manila.

Isasalin ni B/Gen. Rolando Bautista, Philippine Military Academy (PMA) Class ‘85, ang posisyon kay Dagoy, mula sa PMA Hinirang Class 1987.

Si Dagoy, kasalukuyang senior military adviser ni Pangulong Duterte, ay nagsilbi rin bilang chief of staff ng Davao City-based Eastern Mindanao Command (EastMinCom).

Nauna nang napaulat na hinirang ni Pangulong Duterte si Bautista bilang bagong pinuno ng 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, kapalit ni Maj. Gen. Gerardo Barrientos.

Si Bautista ang magsusulong ng giyera kontra terorismo ng administrasyon sa Basilan at Sulu.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved