Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel, nega na sa Darna; papalit, susuportahan
Angel, nega na sa Darna; papalit, susuportahan

Angel, nega na sa Darna; papalit, susuportahan

DESMAYADO man na hindi na makagaganap bilang Darna, excited naman si Angel Locsin sa sinumang mapipili ng ABS-CBN para gumanap sa nilikhang karakter ni Mars Ravelo.

Ani Angel, ibibigay niya ang 100 percent support sa sinumang mapipili ng Kapamilya Network.

Sinabi pa ng aktres na mayroon siyang bet para gumanap na Darna at positibo siyang mapipili iyon.

Bago lumabas ang balitang hindi na makagaganap na Darna si Angel, sinabi niya sa isang interview na ang kanyang training coach ang nag-report sa ABS-CBN ukol sa naramdaman niyang sakit sa likuran.

READ MORE:  Maris, sobrang thankful sa sunod-sunod na blessings

Nais isaalang-alang ng Dos ang kaligtasan muna ni Angel kaya noong Lunes ng gabi ay naglabas na rin ng statement si Kane Errol Choa, Head, Corporate Communications ng ABS-CBN ukol sa hindi na talaga magagawa ni Angel ang Darna.

Idinadag pa ni Angel na sinabihan siya ng kanyang doctor na hindi siya nito bibigyan ng clearance kapag nakaramdam siya ng pain. “Gusto kong magawa siya (Darna) kasi parang ang daming umaasa. Ayaw kong maka-disappoint kahit alam ko na inilalagay ko na ang sarili ko sa risk,” sambit pa ng aktres.

READ MORE:  Ara Mina at Aiko Melendez, nagbati na!

Kaya sa statement na ipinalabas sinabi roon na napagkasunduan ng Star Cinema at ng aktres na ‘wag nang gawin ang Darna dahil sa medical condition nito.

READ MORE:  Shy, walang kinalaman sa paglipat ni Xian

Dalawang beses na palang nakaranas ng pananakit ng likod si Angel na kapag ipinagpatuloy pa ay posibleng magkaroon ng damage ang spine.

Tiniyak naman ni Angel na hindi siya mami-mis ng kanyang fans dahil gagawa siya ng pelikula kasama sina James Reid at Coco Martin gayundin ang isang serye kasama ang huli. Lalabas din sila ni John Lloyd Cruz sa La Launa Sangre.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved