Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hunk actor, bumalik sa dating bisyo
Hunk actor, bumalik sa dating bisyo

Hunk actor, bumalik sa dating bisyo

HINDI maiwasang maungkat ang ilang klasikong kuwentong ikinakabit sa isang hunk actor. Tanong ng marami: nagda-drugs pa rin ba ito?

Time was when kasi na nasadlak ang aktor sa masamang bisyo. At dahil nawalan siya ng trabaho dahil doon kung kaya’t nagbebenta na lang siya ng mga kung ano-ano para magkapera.

READ MORE:  Hiro, ineenganyo ang mga kapwa-Kapuso star na magpa-drug test

Umabot na sa point na pati aso at branded bag (na ewan kung kaninong dyowa niya) ay ibinebenta sa kanyang mga kaibigang artista, hitsurang pinupuntahan pa niya ang mga ito sa kanilang mga taping.

READ MORE:  Bimby, mas kamukha ni dating Sen. Ninoy

Sa kawalan din ng pera kung kaya’t iniiwasan na siya ng kanyang mga tropang madalas niyang utangan. Totoong kaawa-awa ang kalagayan ng aktor, na sa kanyang latest escapade ay hindi man lang niya isinaalang-alang ang matinong angkang pinagmulan niya.

READ MORE:  Tom at Carla, ayaw pa ring umamin sa tunay na relasyon

Da who ang aktor na pinaghihinalaang bumalik muli sa kanyang dating bisyo?

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved