Saturday , January 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Marijuana bill pinaniniwalaang papasa sa Kamara
Marijuana bill pinaniniwalaang papasa sa Kamara

Marijuana bill pinaniniwalaang papasa sa Kamara

NANINIWALA si Isabela 1st District Rep. Rodolfo Albano III, malaki ang tiyansang pumasa ang House Bill 180, o ang Compassionate Use of Medical Cannabis Bill sa Kamara.

Ayon kay Albano, malaking tulong ang panukalang ito para sa mga pasyente, na nangangailangan ng panggagamot nito.

May mga limitasyon aniya ang panukala tulad nang pagbabawal sa paggamit nito para sa sari-ling konsumo, gayondin ang pagtatanim nito sa pampublikong lugar.

Sa unang pagdinig sa Kamara noong nakaraang linggo, bumuo ng technical working group para repasohin at paggandahin ang batas, upang maunawaan maging ng mga simpleng mamamayan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top