Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sa TNT winners: It’s Showtime hosts, ‘di rin minsan umaayon sa desisyon ng mga hurado
Sa TNT winners: It’s Showtime hosts, ‘di rin minsan umaayon sa desisyon ng mga hurado

Sa TNT winners: It’s Showtime hosts, ‘di rin minsan umaayon sa desisyon ng mga hurado

THE unkabogable lunchtime Vice! ‘Yung umaariba na sa ratings na It’s Showtime. Na unti-unting kinagat ng masa at manonood dahil na rin sa mga pasabog na isinisilang sa bawat araw ng tropa ninaVice Ganda, Anne Curtis, Karylle, Amy Perez, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs, at Teddy, Ryan Bang kasama ng mga hurado sa Tawag ng Tanghalan.

Isang taon ng nagkaroon ng captured audience ang TNT dahil sa hindi matawarang pagsalang ng sari-saring talent mula sa buong kapuluan. Na may bitbit din na magagandang istorya sa mga buhay nila.

Sa linggong ito, ginaganap na ang Huling Tapatan ng 10 finalists at pinipili na ang limang maglalaban na sasalang sa Resorts World Manila sa Sabado, Marso 11, 2017 para itanghal ang grand winner.

Nang humarap sa press ang 10 at tanungin kung sino ang maituturing nilang pinaka-matinding kalaban, halos lahat eh, nagsabing ang music teacher mula sa Camarines Sur na si Froilan Canlas ang kinatatakutan nila.

Pero hindi matatawaran ang kakaibang boses ng siyam pa na sina Maricel Callo ng Pagadian, Mary Gidget Dela Llana ng Laguna, Marielle Montellano ng Cebu,Pauline Agupitan ng Batangas, Eumee Capile ng Bulacan, Noven Bellaza ng Negros Occidental, Sam Mangubat ng Batangas, Carlmalone Montecado ng Bacolod.

Ayon kay Vice at mga kasama, hindi naman sa lahat ng pagkakataon eh, umaayon sila sa nagiging choice o choices ng hurado sa bawat araw.

“But we agree to respect and honor the judges’ decisions dahil sila ang mas may say sa karapat-dapat na piliin sa araw na ‘yun. Lahat naman tayo may kanya-kanyang bet. Pero siyempre, kaya nga sila ang itinalaga to do the task, mas alam nila ang hinahanap ng ‘TNT’  for the special moment on Saturday na the greatest performer will stand out,” say ng hindi makabog na host. Na tinanong din kung mapipilay nga ba ang show nila kapag nawala siya?

“Hindi totoo ‘yan! Kasi, may kanya-kanya kaming ibinibigay sa palabas at nagsasama-sama kami as one each and every time. May nawawala man, sandli lang ito dahil mayroon din kaming kailangang haraping task o trabaho. Lahat naman nagsa-shine at may moment. Magulo nga lang kami kasi masaya kami lagi. Kaya natural na natural ang nakikita sa amin ng mga tao. Na kung sa likod ng kamera ito eh, 10 times na gulo pa.”

Sino nga ba ang kakabog-kanino sa Sabado sa labanang kay tagal na inabatan ng madla?

Tawag ng Tanghalan produced the greatest performer this industry has ever produced-the Superstar Nora Aunor. At sinundan pa ito with the likes of now director Edgar Mortiz, Diomedes Maturan, Novo Bono, Jr. na naging leading man ni Sahlee Quizon sa Intensity 70 at marami pa.

Sana ay makasama ang Superstar ng susunod sa kanilang sinimulan!

HARDTALK – Pilar Mateo

COMMENTS

About Pilar Mateo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved