Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ronnie Alonte, Michael Pangilinan at Sanya Lopez, may pasabog!
Ronnie Alonte, Michael Pangilinan at Sanya Lopez, may pasabog!

Ronnie Alonte, Michael Pangilinan at Sanya Lopez, may pasabog!

PASABOG ng Luv Me Tonight ng Zirkoh, Tomas, Morato sa March 16, Thursday, 9:00 p.m. ang tinatampukan nina Ronnie Alonte, Sanya Lopez (Danaya of Encantadia), at Michael Pangilinan.

“’Yung mga hindi nakita rati sa mga concert sa Zirkoh, dito niyo lang makikita sa ‘Luv Me Tonight’.  Nakaka-shock at dapat lang abangan lalo na ‘yung opening na tiyak magugustuhan naman ng lahat.

“At ‘yung magiging takbo ng show, talagang iba ‘yung ganoon. Hindi mabo-bored ang tao. Bukod doon sa mga performer, line up ng songs, at kaunting ideas na ilalagay natin sa bawat performances ng bawat performers..iba, may mga drama,” deklara ng producer-director ng show na si Enrico M. Gonzales na kilala rin sa showbiz bilang si Jeffrey Gonzales. Siya ay dating member ng That’s Entertainment at papasok na rin sa pagpo-produce ng mga concert sa Kamaynilaan. Kilala rin kasing producer ng mga concert si Jeffrey sa probinsiya lalo na sa Bataan , Bulacan, at Batangas.

“Gusto kong mag-grow pa, mas lumawak pa siyempre. Ayaw kong mag-stick lang doon sa isang lugar na alam kong nahawakan ko na. So, gusto ko naman sa iba. Kaya tina-try ko ring mag-prodyus dito sa Maynila.

“First time ko sa Manila itong ‘Luv Me Tonight’ kasi, before talaga na-involve ako sa mga bikini pageant pero ‘yung serious talaga as a producer, ito ‘yung first time talaga,” sambit pa niya.

Stepping stone ba ang Luv Me Tonight para balang araw ay sa mas malaking venue at shows?

“Preparation siguro para kumbaga madagdagan ‘yung kaalaman ko as a producer. Siyempre, hindi ka naman magiging successful na producer kung hindi magsisimula sa maliit, ‘di ba? So, step by step, ganoon,” pakli pa ni Jeffrey.

Bakit sina Ronnie, Sanya, at Michael ang kinuha niyang main cast?

“Si Michael kasi alam naman natin na isa siya sa pinakamagaling na singers sa ngayon. Kaya nga siya, tinawag na bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala dahil na rin sa music niya. Hayun, paborito ko rin siya sa mga kantang lumabas galing sa album niya.

“Si Sanya, mula noong lumabas ang ‘Encantadia’, nakita natin ‘yung sabihin natin na…nag-evolve parang ganoon. Mas kinasabikan siya ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan dahil sa role niya bilang ‘Danaya’.

“Si Ronnie naman after ng successful concert niya sa Kia Theater, talagang hanggang ngayon naman ay pinag-uusapan siya, ‘di ba?,” bulalas pa actor-producer-director.

May bagong ipakikita ba si Ronnie sa Luv Me Tonight?

“Oo, mayroon. Basta makipag-cooperate lang si Ronnie. Kasi siya ‘yung last na lalabas sa concert. Kung mag-materialize lahat, mas okey, mas magiging maganda,” saad pa niya.

Kompletos rekados ang Luv Me Tonight dahil nariyan din ang ang sexy group na Les Allure na binubuo nina Sara Polverini (Ms. Century Tuna Superbods 2014 Grand Winner at former member ng EURASIA), Lana Roi at Khai. Nariyan din si Kate Lapuz ng Trops ng GMA 7. Patatawanin naman tayo ni Jelly Joyce na halimaw sa entablado.

“Si Jelly Joyce kasi ang isa sa lumaban before sa ‘Fat Hot Mommas’ sa ‘Eat Bulaga’. Naging grand finalist siya. Roon pa lang nakita ko na siya as a performer. Sabi ko, magaling. Mabigyan lang ng break, mas magbo-boom ‘yung career niya, mas makikila. And then, napanood ko siya sa mga gig niya sa bars, okey talaga, pinapalakpakan siya ng mga tao kaya rito sa ‘Luv Me Tonight’, siguradong papalakpakan siya at dito siya magsisimula sa Zirkoh as Jelly Joyce,” sambit pa ni Jeff.

Nasa Luv Me Tonight din ang singer-actor na si Zyruz Imperial na interpreter ng Best Themesong ng 2013 PMPC Star Awards For Movies Sukatin Mo Ang Mundo Ko at ang 2009 PMPC Star Awards For Music Best New Male Recording Artist nominee at tinaguriang “Birit King” na si Lemuel Santos with LS Band.

Kasama rin sa show ang bagong Star Music Recording Artist at finalist ng The Voice Kids Season 1 na si Natsumi Saito, ang 1st Asian Grand Prix Champion ng EuroPop sa Berlin Germany at nominadong Most Promising New Artist ng Wish FM Awards na si Ryan Tamondong, ang 2016 Best New Female Recording Artist nominee ng PMPC Star Awards For Music na si Pauline Cueto, ang bagong biritero at recording artist na si Josh Yape, ang bagong guwapong singer na si Rain Gibbz. Nandiyan din ang back-up dancers na BzLegz assistant directors naman ni direk Enrico sina Mitzu Nanri at Leklek Tumalad. Prodyus ito ng Jeffrey G Entertainment Productions sa pakikipagtulungan ng Zirkoh,Tomas Morato at RFC Entertainment.

‘Pag napanood ang Luv Me Tonight sa March 16 ay siguradong mamahalin ng mga manonood ang lahat ng perfomers.

“Siguradong hindi nila makakalimutan. Parang pasavouge ‘yan, eh, ‘Pag pinanood nila, siguradong matatandaan nila, talagang may direksyon,” pagmamalaki pa ni Gonzales.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 09053595091, 09568573532.

(Roldan Castro)

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved