Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kadamay members na lumusob sa NHA housing pupulungin
Kadamay members na lumusob sa NHA housing pupulungin

Kadamay members na lumusob sa NHA housing pupulungin

NAKATAKDANG makipagpulong ang mga opisyal ng National Housing Authority (NHA), at lokal na pamahalaan ng Bulacan, sa mga pamilyang ilegal na umokopa sa ilang pabahay sa bayan ng Pandi, at San Jose Del Monte.

Daan-daang pamilya na miyembro ng grupong Kadamay, ang pumasok at naglagay ng barikada sa mga relocation site sa Padre Pio at Villa Elise nitong Miyerkoles, upang hilingin sa gobyerno ang mga pabahay, na anila’y dapat sa kanila mapunta.

READ MORE:  Passport ng dawit sa pork ipinakakansela

“We respect their right to housing, but we should equally respect the rights ng mga kababayan na nakahanda nang lumipat… Parang nawalan din sila ng karapatan doon sa mga nakalaan naman sa kanila,” sabi ni Elsie Trinidad, tagapagsalita ng NHA.

Ayon kay Trinidad, kailangan maunawan ng mga nagprotesta na bagama’t bakante ang ibang unit, hindi nangangahulugan na walang may-ari nito.

READ MORE:  $81-M inaasahan ng Bangladesh gov’t na maibabalik pa

Ayon kay Trinidad, nakalaan ang 1,660 pabahay para sa pamilya ng mga sundalo at pulis, na hindi pa makalipat dahil nakadestino sa ibang lugar.

Halos 2,000 pamilyang nakatira sa mga estero ang nakatakdang lumipat sa ibang NHA unit sa Bulacan, habang mayroon pang 49,000 na “walk-in” na pamilya ang naghihintay mabigyan ng libreng bahay.

“We can only produce housing para sa mga priority na kailangan ilikas… That doesn’t mean to say na hindi sila (mga nagproprotesta) bibigyan ng bahay,” sabi ni Trinidad.

READ MORE:  13 arestado sa vote buying sa Cagayan

Giit ng mga nagprotesta, mayroon silang pulang tiket na nagsisilbing patunay na mayroon silang karapatan na manirahan sa mga unit ng NHA.

Ayon sa NHA, hindi opisyal na dokumento ang tiket, at maaari pang kasuhan ng trespassing ang mga pumasok na pamilya.

(MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved