Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 63-anyos lola tinadtad ng tare ng manok
63-anyos lola tinadtad ng tare ng manok

63-anyos lola tinadtad ng tare ng manok

HINDI umabot nang buhay sa pagamutan ang 63-anyos lola makaraan saksakin nang 10 beses ng tare ng manok habang naglalakad pauwi sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Paz Ferrer, ahente ng lupa, at nakatira sa 26 Hillside St., Towerhills Subd., Brgy. Dolores, ng nabanggit na bayan.

READ MORE:  Undercover cop patay sa minamatyagang drug suspect (Sa Balayan, Batangas)

Sa imbestigasyon ni PO2 Arenz Comaad, dakong 9:55 pm, galing sa high school reunion ang biktima ngunit habang naglalakad pauwi, sumulpot ang hindi nakilalang suspek, at siya ay pinagsasaksak ng tare ng manok.

READ MORE:  200 pamilya sa N. Cotabato gutom sa tindi ng tag-init

Pagkaraan, hinablot ng suspek ang kanyang bag saka mabilis na tumakas.

READ MORE:  ‘Rapist’ taxi driver arestado sa Taguig

Ayon sa anak ng biktima na si Cha, duguang sumisigaw sa kanilang gate ang biktima kaya agad niyang isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay.

(ED MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top