Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang ‘drug meme’ to renewal ni Senator Manny Pacquiao
Ang ‘drug meme’ to renewal ni Senator Manny Pacquiao

Ang ‘drug meme’ to renewal ni Senator Manny Pacquiao

Sabi raw ni Senator Manny Pacquaio, siya man noong kabataan niya ay tumikim, tumira o umiskor ng shabu at cocaine.

Wattafak!?

Napuna lang natin na kontradiksiyon ito sa pagkakakilala sa kanya ng publiko kung totoo nga ‘yan..

Noon, madalas sabihin ni Manny na kailangan niyang magtrabaho sa maagang edad, mabibigat na trabaho upang makatulong siya sa kanyang ina na naglalabandera mapakain lang silang magkakapatid. Iniwan daw kasi sila ng tatay nila.

Kaya nga nakarating siya sa Maynila, para maghanap ng trabaho.

Ibig sabihin, napakahikahos ng buhay nina Manny.

Kaya nakapagtataka kung paano siyang naka-iskor ng cocaine o shabu.

Alam kaya ng senador kung magkano ang cocaine?! At kung kanino umiiskor nito noong siya ay mahirap at hikahos pa?

Sabi nga, umiikot lang ang cocaine sa sirkulo ng mayayaman. Sila-sila lang ang nakaaalam kung sino-sino at kung kanino umiiskor nito.

Kaya nga hirap na hirap ang Operation Tokhang ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa na maabot ang nasabing antas.

Mahigpit at mahirap pasukin dahil rich, famous and influential ang nasa sirkulo na ‘yan.

Ngayon, nasa ganyang level na si Senator Pacquiao, puwede pa. Puwede na siyang makapag-cocaine. Ngayon ba ‘yang sinasabi niya?!

Kapag nagboboksing ba siya dati, tumitira siya ng cocaine?

O baka naman coke as in softdrinks ang gustong sabihin ng Senador?!

Pakiklaro nga Senator Pambansang Kamao?!

PIYESTA NA NAMAN
ANG MGA ADIK

GOOD morning po Sir Jerry, isumbong ko lang po na dito sa Malate, mula noong itinigil ang tokhang nagsilabasan na naman mga adik lalo n pag gabi.

+63948450 – – – –

MONITORING TEAM
HINILING LABAN
SA MGA MANLOLOKO

BULABUGIN: Sir panawagan sa gobyerno na sana magtatag ng monitoring team ang NBI, PNP at SEC para i-monitor ang mga bagong sulpot na negosyo na nagpapakalat ng flyers, add poster etc., tulad ng insurance, recruiting agency, lending company atbp., para matukoy kung bogus ang mga ito bago pa sila makapambiktima tulad nitong rent-sangla syndicate.

+639098881 – – – –

ATTENTION: MPD DD
GEN. JOEL CORONEL

SIR Jerry itong c PO1 Sarmiento at PO1 Alarcon ng PCP P. Gil nanghihingi ng 100 hundred gabi-gabi sa aming mga naghahanap ng customer sa gabi. ‘Pag di kami nagbibigay pinapaalis kami. Ang sabi nila, 2 pulis masama daw ang ginagawa namin. Bakit cla d ba masama ang pangingikil nla sa amin? At bakit un mga bakla at ibang mga kasama namin sa tapat pa ng PCP P. Gil nakatambay hndi nila pinapaalis dahil gabi-gabi naglalagay sa kanila. Ang kakapal ng mukha nla. Cla dapat ipadala sa Basilan. Don’t publish my no#

+63930104 – – – –

REKLAMO
SA OBSTRUCTION
SA KALSADA

SIR Jerry pakikalabog naman ang mga traffic enforcer natin lalo sa Parañaque at Las Piñas, kaya hindi mawala ang traffic diyan kasi po ginagawang paradahan ng mga sasakyan ang gilid ng kalsada imbes na 4 lane nagiging 2 lane na lang kasi kabilaan ang mga nakaparadang mga sasakyan. Kaya hindi rin minsan masisi ang mga pampasaherong jeep na magbaba at magsakay ng mga pasahero sa gitna ng kalsada kasi hindi na sila makatabi kasi dahil ginawang paradahan ang isang lane. Dagdagan pa ng mga talyer sa gilid ng kalsada na ginagawang gawaan ng mga sasakyan. Hindi lang ‘yan sa Las Piñas o Parañaque, halos kahit saan pumunta ganyan ang sitwasyon. Kaag nalinis ang mga ‘yan napakalaking tulong sa mga motorista at sa mga magta-traffic sa kalsada. Kaya dapat ipatupad ang batas na bawal magparada sa gilid ng kalsada, ‘pag may mga pasaway e wrecker na agad, para matuto.

+63946227 – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  May bagong tara group sa Maynila!?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved