Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Hikayat sa kababaihan sa Caloocan: Cervical screening, breast exam samantalahin — Mayor Oca
Hikayat sa kababaihan sa Caloocan: Cervical screening, breast exam samantalahin — Mayor Oca

Hikayat sa kababaihan sa Caloocan: Cervical screening, breast exam samantalahin — Mayor Oca

HINIKAYAT ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, na samantalahin ng mga residenteng kababaihan ang libreng health services gaya ng cervical screening at breast examination, isasagawa ng local health department sa buwan na ito.

READ MORE:  Mechanical problem itinuro sa paglubog ng RoRo

Ayon kay Malapitan, ang naturang serbisyo ay gagawin sa buong buwan ng Marso, bilang selebras-yon sa Buwan ng Kababaihan sa buong mundo, may temang “WE (Women Empowerment) Change Work for Women”.

READ MORE:  Diplomat sa Sabah dinagdagan ng PH Embassy

Isasagawa ang cervical screening at breast examination sa lahat ng 44 health centers sa Caloocan.

Magkakaroon din ng Usapang Pangkababaihan, gaganapin ngayong araw, 8 Marso, upang matugunan ang mga katanungan ng mga babae at pasyenteng may dinaramdam sa kanilang cervix at suso.

READ MORE:  US drone dapat suriin ng Pinoy experts — Solon (Kung spy o target)

Samantala, inianunsyo ni Malapitan na magkakaroon ng mga klase ukol sa tuberculosis sa lahat ng 44 health centers sa siyudad.

(JUN DAVID)

COMMENTS

About Jun David

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved