Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ecumenical support hiniling sa Oplan Tokhang 2
Ecumenical support hiniling sa Oplan Tokhang 2

Ecumenical support hiniling sa Oplan Tokhang 2

LAHAT ng sekta ng relihiyon ay hihingian ng suporta ng PNP, sa kanilang ilulunsad na giyera kontra droga, lalo sa Oplan Tokhang Part 2, hindi lang ang simbahang Katolika.

Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, lahat ng sekta ng relihiyon ay kasama rito, at diskarte na ng kanilang mga chief of police, na makipag-usap sa religious leaders sa kanilang Lugar.

READ MORE:  1 patay, 3 missing sa landslide (Sa Tacloban City)

Bukod sa parish priest, maaaring humingi ng suporta sa mga pastor sa kanilang lugar, at sa mga Imam sa mga Muslim community.

Layon nitong ipakita ang sinsiredad ng PNP sa kampanya  laban sa ilegal na droga, at hihingiin ang suporta nang lahat para rito.

Binigyang-diin ni Dela Rosa, kahit sa anti-drug operations ay maaari rin sumama ang religious leaders kung sila ay interesado.

READ MORE:  Binatilyo utas sa saksak ng stepdad

OPS TOKHANG 2
SINIMULAN

SINIMULAN nang ipatupad kahapon, ng Philippine National Police (PNP) ang panibagong bersiyon ng “Oplan Tokhang.”

Una rito, sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, magkakaroon ng dalawang bahagi ang proyekto.

Aniya, palalakasin muna ng PNP ang pagtugis sa high-value targets (HVT), saka nila isu-sunod ang masinsinang bagong bersiyon ng “Oplan Tokhang.”

Sa bagong bersiyon, ang mga chief of police ang mangunguna sa o-perasyon. Kasama rito ang mga lokal na opisyal ng barangay.

READ MORE:  13K pulis idi-deploy para sa 1,700 ASEAN delegates

Nangako si Dela Rosa na lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagbabantay laban sa “vigilante groups” na sinasamantala ang Oplan Tokhang para makapagsagawa ng extrajudicial killings.

Inimbitahan ni Dela Rosa ang Simbahang Katolika, na samahan sila habang isinasagawa ang pagkatok sa mga tahanan ng suspected drug personalities.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved