Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kampanya vs droga sa Caloocan tuloy-tuloy — Malapitan

Kampanya vs droga sa Caloocan tuloy-tuloy — Malapitan

 PATULOY na hinihimok ni Mayor Oca Malapitan ang mga negosyante at barangay chairman, na isailalim sa drug test ang kanilang mga tauhan, upang matukoy kung sino ang mga lulong sa droga. (JUN DAVID)


PATULOY na hinihimok ni Mayor Oca Malapitan ang mga negosyante at barangay chairman, na isailalim sa drug test ang kanilang mga tauhan, upang matukoy kung sino ang mga lulong sa droga. (JUN DAVID)

BINIGYANG-DIIN ni Mayor Oscar Malapitan ang tuloy-tuloy na paglaban sa ilegal na droga sa Caloocan City, sa kanyang pakikipagpulong sa 188 punong barangay sa Buena Park, kamakailan.

READ MORE:  Malinis na paligid, solusyon vs dengue

Ang mga kapitan ang mga pinuno ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), kaya’t nakaatang sa kanilang balikat ang paglilinis sa ilegal na droga sa kanilang komunidad, sa pamamagitan ng ‘su-yod’ system.

READ MORE:  Suspected bomber sa Saudi inaalam pa kung Pinay

Ito ang pagsuyod sa mga bahay at negosyo sa kanilang barangay, na walang nilalaktawan, upang makilala ang mga adik at tulak ng droga sa kanilang lugar.

READ MORE:  More green jobs sa Nograles bill

Kasabay nito, hinimok ni Mayor Oca ang mga negosyante na magsagawa ng drug tests sa kanilang mga tauhan, upang matukoy kung sino ang mga lulong sa droga.

Inihayag ni Mayor Oca, nakatakdang ideklara sa susu-nod na linggo ang tatlong barangay sa Caloocan bilang “drug-free barangay.”

Nauna rito, idineklara ni Mayor Oca ang Caloocan City Hall bilang “drug-free” makaraan tanggalin sa trabaho at ipa-rehab ang mga nagpositibo sa drug test. (JUN DAVID)

COMMENTS

About Jun David

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved