Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P4-M natalo sa casino Koreano nagbigti

P4-M natalo sa casino Koreano nagbigti

030517_FRONT
NATAGPUANG walang buhay, ang nakabigting Korean national sa loob ng kanyang condo unit, sa Pasay City, kahapon.

Kinilala ni C/Insp. Rolando Baula, hepe ng Investigation Detective & Management Branch (IDMB), ng Pasay City Police, ang biktimang si Seung Ryeong Back, 41, pansamantalang nanunuluyan sa Unit 12-D, Boardwalk Tower sa Macapagal Blvd., ng lungsod.

READ MORE:  Dalagitang nakipiyesta hinalay, pinatay

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:40 am nang madiskobre ang bangkay ni Back, ng kanyang kasambahay na si Mirla Vivas.

Ikinuwento ni Vivas sa pulisya, naglilinis siya ng condo nang natagpuan niya si Back habang nakaupo at may nakataling kurbata sa leeg, at ang dulo ay nakatali sa cabinet.

READ MORE:  Babaeng fiscal utas sa tandem (Sa Rizal)

Napag-alaman ng pulisya, ang biktima at kaibigan niyang si Han Gile, 26, ay galing sa City of Dreams Resort and Casino, at naglaro ng baccarat, ngunit natalo ng P4 milyon.

Nang magbalik sa condo ang dalawa, sila ay uminom ng beer. Si-nabi aniya ang biktima na siya ay magpapakamatay, ngunit inakala ni Gile na nagbibiro lamang.

READ MORE:  Leila naloka na — Digong

Bandang 4:00 am nang umalis  ang kaibi-gan niyang si Gile .

Sinabi ni Chief Ins-pector Baula, ipinagbi-gay-alam na nila sa embahada ng Korea ang insidente.

ni JAJA GARCIA

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved