Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marcus, si Michelle ang crush at ‘di si Magui
Marcus, si Michelle ang crush at ‘di si Magui

Marcus, si Michelle ang crush at ‘di si Magui

MAY intriga agad kay finalist ng Pinoy Boyband Superstar at bagong ambassador na si Markus Paterson nang tanungin kung totoong nanliligaw siya sa half sister ni Daniel Padilla na si Margaret Ford Planas at dumadalaw ito sa bahay.

Nilinaw niya na nagyaya si Karla Estrada (ina nina Daniel at Margaret) noong mag-guest ito sa Magandang Buhay na minsan ay dumalaw ito sa bahay nila. Kaibigan niya si Daniel at nagkakilala sila noong mag-host ito ng ASAP Chillout.

READ MORE:  Dingdong, nakipag-boodle fight lang noong August 2

“Nagulat din po ako kasi I’m just trying to be friendly with the family, to get to know everyone naman,” bulalas niya.

Posible bang manligaw siya kay Magui (palayaw ni Margaret)? Inuuna  niya ang friendship sa buong pamilya at hindi pa pumapasok ‘yun sa utak niya.

Basta nagkakasundo sila ni Magui dahil pareho silang naglalaro ng football. Nagsi-share sila ng common interest pero hindi dumarating sa point para ligawan ito.

READ MORE:  Solenn, may regalo sa kanyang fans

Pinabulaanan din niya na may nililigawan siya ngayon. Pero si Michelle Vito ang showbiz crush niya.

Pakiramdam niya ay blessed din siya kahit hindi siya winner ng Pinoy Boyband Superstar dahil may BNY siya na ini-endorse kasama ang kapwa winner niya sa BNY Search For The NextGen Ambassador na si Nicole Grimalt. Excited siya sa journey na ibibigay ng BNY family na kinabibilangan nina Barbie Forteza, Jake Vargas, Joshua Garcia, at Michelle Vito.

READ MORE:  The Voice, naghahanap na ng artists para sa kauna-unahang ‘Teens’ season

Sinabi rin niya na hindi siya naiinggit kung may album na rin ngayon ang mga limang winners ng Pinoy Boyband (kilalang BoybandPH).

Proud siya sa mga kasamahan niya. Inspirasyon ito sa kanya na balang araw ay magkaroon din siya ng sariling album.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved