Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mamang Pokwang, kabado sa I Can Do That
Mamang Pokwang, kabado sa I Can Do That

Mamang Pokwang, kabado sa I Can Do That

WALANG sinabing halaga kung magkano ang mapapanalunan ng mga kasaling celebrities sa inaabangang I Can Do That, bagong reality show ng Kapamilya Network na magsisimula na sa March 11 hosted by Robi Domingo at Alex Gonzaga.

Nanindigan ang buong production team nito na malaki ang paglalabanang premyo ng walong celebrities na sina Mamang Pokwang, Daniel Matsunaga, Gab Valenciano, Sue Ramirez, Cristine Reyes, Wacky Kiray, Arci Munoz, at JC Santos.

READ MORE:  Willie, ‘di raw dapat tumakbong Senador

Mismong si Mamang Pokwang na rin ang nagsabing medyo mabibigat  na task ang kani-kanilang gagawin sa kabuuan ng reality show. Kabado nga si Mamang pero nanindigan itong sa dinami-rami ng kanyang pinagdaanan ay nasisiguro niyang malalampasan ang mga tatahaking challenges sa show.

READ MORE:  LGBT groups, people’s org. at iba pang civil society, magtitipon-tipon para sa Quezon City Pride March

Mukhang masaya naman si Mamang Pokwang sa itinatakbo ng kanyang karera dahil sa totoo lang ay sunod-sunod ang biyayang dumarating sa kanya. Hindi na rin idinetalye ni Mamang ang mga kaganapan ngayon sa kanyang pribadong buhay lalo na ang kanyang lovelife dahil kitang-kita namang masaya siya at mukhang walang problema.

READ MORE:  Mother Lily, sinuportahan ng mga anak

REALITY BITES – Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved