Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris puro special muna ang gagawin sa GMA-7 (Sa kanyang TV comeback)
Kris puro special muna ang gagawin sa GMA-7 (Sa kanyang TV comeback)

Kris puro special muna ang gagawin sa GMA-7 (Sa kanyang TV comeback)

HINDI raw totoong si Kris Aquino na ang ookupa sa timeslot ng SNBO ng GMA-7 na umeere tuwing Linggo ng gabi na pawang foreign movies ang ipinapalabas.

Sey ng may alam sa ilang detalye ng TV comeback ni Kris, pansamantala ay puro special show lang muna ang gagawin ng TV host actress and then kapag nag-click siya sa gaga-wing two-hour special na ang title ay Trip Ni Kris, na may kinalaman sa turismo ay saka raw sisimulang plantsahin ang weekly o daily niyang programa.

Depende raw talaga sa magiging feedback ng viewers at rating.

So dapat ay mag-effort talaga nang todo ang Queen of All Media para pumatok siya sa kanyang pagbabalik telebisyon at sa March 26 na raw eere ang nasabing travel themed special sa Kapuso pagkatapos ng show ni Jessica Soho na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Hashtag#AngPagbabalikNiKrisASaNationaTVGyud!

Goldie nagiging halimaw kapag galit
DALAGA ILALAYO NA NI AUDRINA
KAY RUBEN SA “MY HAIR LADY”

Dini-Diyos ni Audrina (Nikki Valdez) ang sa-lapi kaya’t lahat ay gagawin niya huwag lang mawala sa kanila ng mister na si Edgar (Polo Ravales) si Goldie (Loisa Andalio) na matagal na nilang pinagkakakitaang makapag-asawa.

At dahil alam ni Audrina na magiging sagabal sa buhay nila ang bestfriend na si Christy (Matet de Leon) na tunay na mommy ni Goldie ay nagdesisyon ang babaing ganid na umuwi ng probinsya at doon na sila titira ng kanyang pamilya.

Labag sa kalooban ni Goldie na iwan ang mga taong nagmamahal sa kanya kaya’t nagwala ang mga buhok nito na nasaksihan ni Christy at agad namang nag-imbento si Audrina at sinabi sa kaibigan na halimaw si Goldie kaya’t siya ang dahilan kung bakit gusto niyang ilayo sa lahat.

Pero dahil sa lukso ng dugo ay awa ang naramdaman ni Christy sa dalaga kaya’t dada-mayan niya ito at tutuklasin ang buhay kay Audrina.

Suportado siya rito ng asawang si Marcus (Bobby Andrews) ganoon na rin ni Ruben (Jameson Blake) na bodyguard ni Goldie, na napalapit na sa kanya at tinamaan sa magandang dalaga.

Muntik ng manganib ang buhay ni Ruben nang umatake sa kanya ang presko at mayabang na si Mark (Mark Oblea) mabuti na lang at nailigtas siya ng mga buhok ni Goldie.

By the way, ang My Hair Lady ay isa sa most watched episode sa Wansapanataym Presents na pumalo noong Feb 26 sa 33.3% na nationwide rating sa Kantar Media.

Pakatutukan ang episode nila ngayong Linggo pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar Kids sa ABS-CBN-2.

EAT BULAGA BEST TV SHOW SA 1ST
GEMS HIYAS NG SINING AWARDS

Ang Eat Bulaga ang nahirang na “Best TV Show” sa 1st GEMS Hiyas Ng Sining Awards 2017 at personal na tinggap ni EB Dabarkads Ruby Rodriguez at ng kasamang bagets na sina Ryzza Mae Dizon at Baeby Baste ang kanilang tropeo at kinaaliwan ang tatlo ng mga dumalo sa awarding ceremony.

At sa kanilang acceptance speech ay hindi nagpakabog sina Ryzza at Baste sa Ate nilang si Ruby at kaaliw silang panoorin habang nagpapasalamat sa bumubuo ng GEMS na kinabibilangan ng educators, mentors at estud-yante ng Laguna BelAir Science High School.

Isa ang parangal na ito sa daan-daang awards na tinanggap ng Eat Bulaga sa iba’t ibang award giving bodies sa loob nang mahigit 37 taon nila sa telebisyon.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved