Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wala sa plano ni Dos ang kasal
Wala sa plano ni Dos ang kasal

Wala sa plano ni Dos ang kasal

GUWAPO, macho, at may dating, ito si Manuel Quizon II o Boy2 to his fans a.k.a. Dos to his friends. Nasa kanyang early 30’s na siya at nakatatlong seryosong relasyon na pero tila malayo pa sa isip niya ang kasal.

May asawa’t anak na ang mga chick niyang itago natin sa initials na—D, A, at R. Ang barkada at kaedaran niyang si Vandolph ay dalawa na rin ang anak. Plano ba ng kulot na actor na magpakatandang binata?

READ MORE:  Matteo, no sex before marriage rin ang ipinaiiral

“Hindi naman, Tita. Gusto ko’y matatag na ang katayuan ko sa buhay bago ako mag-settle down,” sabi ng apo ni Pidol nang makausap namin sa teyping ng Bubble Gang.

Sa totoo lang, nagsimula na nga siyang mag-business. Mayroon na siyang production outfit na kasosyo ang ilang friends. Mayroon din siyang on line trading ng mga imported rubber shoes, shirts atbp..

READ MORE:  Sarah, nalaslas ang bulsa

Hindi niya ipinagsasabi pero alam naming bukod sa kanyang ina na may sakit sa puso’y si Dos din ang nagpapagamot sa kanyang maternal grandma. May pusong ginto at tunay na mapagmahal na anak at apo ang bruho.

Napaka-loyal din niya sa Bubble Gang at pang-18 years na siya rito. Malaki ang respeto niya kina Michael V, Tonio Aquitania, Moymoy Palaboy, at Paolo Contis na tila mga kuya ang tingin niya. Masaya rin siya sa mga nakababatang Bubblers tulad nina Mikael Daez, Sef Cadayona, RJ Padilla, Juancho Trivino, at Jak Roberto.

READ MORE:  Pagpo-propose ng Lebanese businessman BF ni Lotlot, idinaan sa dessert

“Siyempre, inspirasyon namin ang mga seksing nasa cast tulad nina Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Kim Domingo, Jackie Rice, Denise Barbacena, Arny Ross at Andrea Torres.”

KUROT LANG – Nene Riego

COMMENTS

About Nene Riego

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved