Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Show ni Michael V., matatag kahit sino ang itapat
Show ni Michael V., matatag kahit sino ang itapat

Show ni Michael V., matatag kahit sino ang itapat

CONSISTENT na kabilang sa Top 10 Most Followed TV Show sa bansa ang Pepito Manaloto, Ang Tunay na Kuwento. Ito ang pilit tinutularan pero ‘di mapantayan ng ibang network.

Noong buhay pa ang Hari ng Komedi na si Tito Dolphy ay itanong namin kung ano ang formula niya sa paggawa ng mga long-running sitcom gaya ng John En Marsha at Home Along Da Riles.

READ MORE:  Ronnie Alonte, ‘di man pang-award ang acting, ‘di rin naman tuod

“Wala namang set formula. Basta ipinagbibilin ko sa mga writer na bigyan ako ng magandang asawa, isang biyenang ka-kontra pelo ko at ‘di ako matanggap, isang kontrabida at cute na batang magiging anak ko. Kailangan ding may tin-edyer na loveteam,” sey ni King RVQ sa amin.

READ MORE:  Kris Bernal, ayaw na raw sa GMAAC kaya ‘di pa pumipirma sa GMA

In short, kompletos rekados ang peg na tunay na pampamilya. At tila ito rin ang peg ng Pepito Manoloto. Mayroong mag-asawang Pepito (Bitoy) at Elsa (Manilyn Reynes), mga anak nilang sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi).

Ang villain ay si Tommy (Ronnie Henares) at dagdag pakuwela ang mga kasambahay na sina Baby (Mosang), Maria (Janna Dominguez), at Robert (Arthur Solinap). Pakuwela ang mga tin-edyer na sina Chito, Nikki (Julie Anne San Jose) at Mikoy Morales.

READ MORE:  Ria Atayde, sumabak sa tatlong TV shows bilang host!

Sa Sabado’y sina Brylle Mondejar at Michael Flores ang guest. Mga carjackers ang papel nila.

KUROT LANG – Nene Riego

COMMENTS

About Nene Riego

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved