Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, ayaw nang mag-celebrate ng birthday
Maine, ayaw nang mag-celebrate ng birthday

Maine, ayaw nang mag-celebrate ng birthday

HINDI si Maine Mendoza ang ka-dinner date ni Alden Richards noong Martes ng gabi sa kanyang restaurant na Concha’s  Garden Café sa Tomas Morato kundi winner ng isang product na ini-endorse niya para sa pakulong #DateWithTheBae.

Habang isinusulat namin itoý hindi namin alam kung nakipag-date si Alden sa kanyang katambal sa Destined To Be Yours sa 22nd birthday nito?

Pero kung si Maine ang tatanungin parang ayaw niyang mag-birthday. Hitsurang hindi na siya nai-excite dahil ang pakiramdam niya ay wala na, tapos na after ng celebration. Tapos isang taon na naman ang paghihintay. Ang sure lang sa kaarawan niya ay makakasamang ma-dinner ang mga friend niya at family.

Hindi naman nila pinag-uusapan ni Alden ang birthday niya.Sabay-sabay na lang tayong magugulat kung may sorpresa man  ang Pambansang Bae sa kanya.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved