Thursday , October 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / 5 sa 8 I CANdidates, miyembro ng Camp Sawi
5 sa 8 I CANdidates, miyembro ng Camp Sawi

5 sa 8 I CANdidates, miyembro ng Camp Sawi

TINANONG sina Daniel Matsunaga at Robi Domingo sa presscon ng  I Can Do That kung how to mend a broken heart?

Nagkatawanan dahil pinasa ni Robi ang tanong kay Gab Valenciano dahil siya ang mentor nila. Hiwalay na kasi si Robi kay Gretchen Ho. Split naman si Gab sa misis niyang si Tricia Centenera.

Ipinasa naman ni Gab kay Daniel na kabi-break lang kay Erich Gonzales.

READ MORE:  Maricel Soriano, walang sawa sa kakadaldal (Aktres laging hyper!)

Itinuro naman si Arci Munoz na napabalitang split na rin sa bf niyang si Badi Del Rosario.

“Eh, ba’t ako?” reaksiyon ni Arci sabay tawa.

May nagturo rin kay Sue Ramirez. Pero nag-deny na may pinagdaraanan.

Nagtawanan ang mga I CANdidates ng I Can Do That at may nag-react na nagsisinungaling si Sue.

Kung ia-analyze, lima pala ang miyembro ng Camp Sawi sa show.

READ MORE:  Derek Dee, advocacy na tumulong sa mga may Hepatitis-C!

“I have to… sa lahat ng mga nangyari, kailangan kong magmove -forward, eh. There’s no room for … there’s no time to be sad muna. Until now, I’m hurting ,” deklara ni Robi.

Pero kailangan niyang mag-focus dahil ito na ‘yung opportunity at matagal niyang hinintay ang moment na ito.

Sey naman ni Daniel, “Siyempre po, mahirap ano? Lahat ng pinagdaranan ko, siyempre I love the person, nalulungkot ako kasi affected ang family, this time need ko mag-focus sa show,” sambit pa niya.

READ MORE:  Phillip Salvador, napahalakhak sa usaping comatose si Digong

Magsisimula sa March 11 sa ABS-CBN 2 ang I Can Do That. Hosts sina Robi at Alex Gonzaga.

Kasama rin sa I CANdidates sina JC Santos, Wacky Kiray, Pokwang, Cristine Reyes. Ito ay sa direksiyon ni Arnel Natividad.

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved