Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Resign ba o sinibak si NIA chief Peter Laviña?
Resign ba o sinibak si NIA chief Peter Laviña?

Resign ba o sinibak si NIA chief Peter Laviña?

Kung nasusundan ninyo si Mr. Peter Laviña mula noong kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ‘e mapapatanong talaga kayo kung bakit nauwi sa pagbibitiw (o pinatalsik umano) ang kanyang ‘career’ sa administrasyong ito.

Hindi ba’t noong campaign period ‘e siya ang spokesperson ni Pangulong Digong, at parang pati sa ilang usapin ng pinansiya ay isa siya sa may sey?!

Anyare, bakit biglang, nalaglag si Peter Laviña?!

‘E kung totoo nga ‘yung sinasabi ng mga labor leader na mismong si Tatay Digs ang nagsabi sa kanila na sisibakin niya si Laviña dahil ‘nanghihingi’ umano sa ilang NIA contractors, ibig bang sabihin, noong kampanya pa lang ‘e kumita na siya?

O totoo rin ba ang ‘tsismis’ na may power struggle sa loob ng Gabinete ni Pangulong Digong?

Kung hindi naman totoo ang mga tsismis laban kay Laviña ‘e kapuri-puri ang ginawa niyang pagbibitiw, para hindi na raw mapulaan pa ang administrasyon ng kanyang kababayan na si Pangulong Digong.

Para sa ikapapanatag nang lahat, palagay natin ‘e mayroong tungkulin ang administrasyon na magklaro sa isyung ito. Kung hindi ito tutuldukan nang tama, magpapaulit-ulit ang ganitong senaryo hanggang manalo ang opinyon na mayroong nagaganap na ‘laglagan’ o power struggle sa loob ng administrasyon na hindi kayang kontrolin o suhetohin ng Pangulo.

Isang uri ng intriga ‘yan na tuwina’y sinasamantala ng mga kalaban para pahinain hanggang bumagsak ang liderato ng administrasyon.

Ingat lang po sa intriga.

HAKOT DAW MGA
PUMUNTA SA LUNETA?

Gud am! Sir jerry, lahat ng nagpunta sa Luneta eh hinakot sa mga barangay dahil nagbaba ng memo ang DILG sa bawat brgy na inaatasan sila na magpadala ng mga tao sa nasabing rally kaya wag nilang ipagmalaki kung marami ang pumunta.  Ang problma pera na nman ni Juan dela Cruz ang ginastos, ‘yan po ang change is coming. Ramon ng Cubao. 

+639351633 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved