Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Patayan’ sa drug war tuloy (HRW panis kay Duterte)

‘Patayan’ sa drug war tuloy (HRW panis kay Duterte)

030317_FRONT
DETERMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang isinusulong na drug war ng kanyang administrasyon, sa kabila nang matinding pagbatikos ng Simba-hang Katolika at human rights advocates.

Sa inagurasyon ng Cebu-Cordova Link Expressway groundbreaking ceremony sa Cebu kahapon, tahasang sinabi ni Pangulong Duterte, ang pagpatay sa mga kriminal ay hindi krimen sa sangkatauhan, taliwas sa 124-pahinang ulat ng New York-based Human Rights Watch (HRW) na ang drug war ay “war against humanity.”

“When you kill criminals, it is not a crime against humanity. The criminals have no humanity. Godd—it,” ani Duterte.

READ MORE:  Estancia ‘ghost town’ sa oil spill

Giit ng Pangulo, sa-got niya ang patayan sa kanyang drug war dahil lumaban ang mga drug suspect sa awtoridad.

“Lahat naman sila lumaban. Iyong hindi lumaban sa gobyerno, hindi amin iyon. Baka pari ang kalaban nila. Iyong namatay during encounters, of course, I answer for them. I hold myself legally responsible,” dagdag niya.

Nauna nang inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang drug war ng administrasyon ay digmaan upang bigyan proteksiyon ang sangkatauhan mula sa makabagong demonyo.

“A war on criminality is not a war on humanity. On the contrary, it is a war precisely to protect humanity from a modern-day evil. To say otherwise is to undermine society’s legitimate desire to be free from fear and to pander to the interests of the cri-minals,” giit niya.

READ MORE:  Dumukot sa 3-buwan sanggol ginang kinasuhan

Noong 2016 Nobyembre, isiniwalat ni Duterte na sina Loida Nicolas-Lewis at American billionaire George Soros ang nagpopondo sa malawakang black propaganda para ipinta ang kanyang imahe bilang kriminal sa buong mundo bunsod ng kanyang drug war.

Nabatid na ang Human Rights Watch ay nakatanggap ng $100-M grant mula kay Soros,  Amerikanong bilyonaryo, noong 2010 at naghahanap ng mga target na personalidad para itambol ang kanilang human rights propaganda.

READ MORE:  MMDA enforcer bumangga sa poste tigok

“You know extra-judicial killing, ngayon ang Amerikano nakisali, ‘e maraming mga sosyal dito mga NGO na funded diyan sila. Itong Human Rights Watch ng New York, kay Soros iyan. Soros, iyong financier. Siya iyan, grant niya iyan. So dito, mayroon silang funding money magha-hanap talaga sila to justify. Ako ang nakuha nila, they pound… they pounding on me,” anang Pangulo.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved