Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Demolition job vs Mighty Corp pinalagan

Demolition job vs Mighty Corp pinalagan

030317_FRONT
NAKAHANDA ang Mighty Corporation na buksan ang lahat ng kanilang warehouse at makiisa sa isasagawang imbestigasyon ng Bureau of Customs upang patunayang hindi sila sangkot sa pagbebenta ng pekeng sigarilyo.

Ayon kay Oscar Barrientos, executive vice president at tagapagsa-lita ng kompanya, hindi nila kailangan magsagawa ng mga bagay na ikasisira nila sapagkat maraming tapat na consumer nila ang patuloy na tumatangkilik sa kanilang produkto.

“Ngunit nakalulungkot na may ibang ahensiya ng gobyerno na sinasamantala ang Mission Order ng BOC para lang magsagawa ng mga operasyon base sa maling impormasyon gaya aniya ng isinagawang raid nitong Miyerkoles sa Pampanga na walang nakitang pekeng sigarilyo sa warehouse ng Mighty,” diin ni Barrientos.

READ MORE:  AFP may lead na vs Sabah kidnap case

Paliwanag niya, ang pangunahing dahilan kung bakit sinisiraan sila ng kanilang mga kompetensiya ay sapagkat isinusulong ng kompanya ang isang panukalang batas na naglalayong palakasin ang kita ng mga lokal na mana-nanim ng tabako.

Dagdag ni Barrientos, malinaw sa mga isinagawang raid sa warehouse ng Mighty sa Pampanga at General Santos City na walang nakitang pekeng produkto ang mga awtoridad kaya hindi dapat itinuloy ang o-perasyon.

READ MORE:  People Power vs Duterte suntok sa buwan (Sa frigate deal)

Ngunit may ibang ahensiya na umano’y nakialam bagama’t walang kaukulang Mission Oder mula sa kanilang mga punong tanggapan. Ang ibinibintang umano sa MIghty Corp ay hindi sakop ng Mission Order na ipinalabas ng BOC.

Dahil dito nanawagan ang kompanya sa BOC na maging mapagmatiyag laban sa smuggling upang makatiyak na tama ang koleksiyon mula sa taripa at iba pang buwis.

Ipinagdiinan ni Barrientos na hindi sila kailanman nameke ng produkto o lumabag man lang sa Tariff and Customs Code.

Ayon kay Barrientos, ang mga isinagawang raid ay nailagay sa mga pahayagan ngunit hindi naman nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga pekeng produkto ng karibal nito.

READ MORE:  NFA administrator ipinarerepaso ng Palasyo

Samakatuwid, lumalabas na isang demolition job ang nangyari na naglalayong sirain ang 70-taong gulang na kom-panya ng sigarilyo.

Dagdag ni Barrientos, agad nilang hihilingin ang muling pagbubukas ng kanilang mga warehouse at magha-handa ng kaso laban sa mga nagsagawa ng hindi makatuwirang raid.

“HIndi dapat matakot ang isang lokal na kompanya o yumuko sa mga kakompetensiya na walang malasakit sa maliliit na manananim ng tabako,” ani Barrientos.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved