Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Anyare sa peace and order ng Maynila?!
Anyare sa peace and order ng Maynila?!

Anyare sa peace and order ng Maynila?!

NAALALA natin ‘yung isang joke tungkol sa peace and order.

Kaya raw magulo sa Maynila kasi ang alam lang gawin ng mga opis-yal ay puro order. Parang restaurant, order nang order lang — kaya raw walang peace?!

Wattafak!?

Sa totoo lang, sa nangyayari ngayon sa Maynila, magtataka pa tayo kung sa loob ng isang araw ay walang istorya ng saksakan, nakawan at holdapan.

Kumbaga, tinanggap na ng Maynila — ang pangunahing lungsod ng bansa — na ang kanilang siyudad ay lunsaran ng iba’t ibang uri ng krimen.

Nitong isang gabi (6:00 pm) lang, mismong ang lady barangay chairperson ng Barangay 200, Zone 18, sa  District II ng Maynila na si Net Acuña ay pinaslang malapit lang sa kanilang barangay hall sa Hermosa St., Tondo, Maynila.

Walang takot na pinagbababaril ng nag-iisang suspek ang lady barangay chairman na kasama pa ang kanyang ang isang kagawad, barangay treasurer, at isang tanod.

010616 manila mpd

Katatapos lang nilang magkabit ng mga tarpaulin, nang gabing iyon. Ibig sabihin sa loob mismo ng kanyang teritoryo pinaslang ang barangay chairwoman.

As usual, hindi nadakip ang suspek na basta na lang sumibat at ni hindi masabi ng mga nakakita kung saang direksiyon pumunta.

Ganyan ba talaga ang police visibility sa Maynila?!

Hindi man lang makasindak ng mga kriminal?

Hindi man lang, napagdalawang-isip ang suspek para huwag nang ituloy ang kanilang balak?!

What’s happening to our city, C/Supt. Jigz Coronel?

Talaga bang mga police bagman lang ang puwedeng mamayani sa Maynila at hindi ang peace and order?

General Jigz, tiyakin mo naman ang peace and order sa Maynila… please?!

Huwag namang puro order lang?!

Let’s give peace and order a chance here in Manila…

Puwede ba, General Jigz!?

RESIGN BA O SINIBAK
SI NIA CHIEF
PETER LAVIÑA?

030217 laviña duterte

Kung nasusundan ninyo si Mr. Peter Laviña mula noong kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, ‘e mapapatanong talaga kayo kung bakit nauwi sa pagbibitiw (o pinatalsik umano) ang kanyang ‘career’ sa administrasyong ito.

Hindi ba’t noong campaign period ‘e siya ang spokesperson ni Pangulong Digong, at parang pati sa ilang usapin ng pinansiya ay isa siya sa may sey?!

Anyare, bakit biglang, nalaglag si Peter Laviña?!

‘E kung totoo nga ‘yung sinasabi ng mga labor leader na mismong si Tatay Digs ang nagsabi sa kanila na sisibakin niya si Laviña dahil ‘nanghihingi’ umano sa ilang NIA contractors, ibig bang sabihin, noong kampanya pa lang ‘e kumita na siya?

O totoo rin ba ang ‘tsismis’ na may power struggle sa loob ng Gabinete ni Pangulong Digong?

Kung hindi naman totoo ang mga tsismis laban kay Laviña ‘e kapuri-puri ang ginawa niyang pagbibitiw, para hindi na raw mapulaan pa ang administrasyon ng kanyang kababayan na si Pangulong Digong.

Para sa ikapapanatag nang lahat, palagay natin ‘e mayroong tungkulin ang administrasyon na magklaro sa isyung ito. Kung hindi ito tutuldukan nang tama, magpapaulit-ulit ang ganitong senaryo hanggang manalo ang opinyon na mayroong nagaganap na ‘laglagan’ o power struggle sa loob ng administrasyon na hindi kayang kontrolin o suhetohin ng Pangulo.

Isang uri ng intriga ‘yan na tuwina’y sinasamantala ng mga kalaban para pahinain hanggang bumagsak ang liderato ng administrasyon.

Ingat lang po sa intriga.

DE-LATANG SARDINAS
NAGTAAS NG PRESYO

030317 sardines price hike money

Kung inaakala nating lahat, na maliit na bagay lang kung magtaas man ng presyo ang de-latang sardinas, aba ‘e malaking bagay ito sa mga kababayan nating nagdarahop.

Hindi lang consumer ang apektado rito, kundi maging ang mga retailer.

Kung magtataas pa ng presyo, tutumal ang de-latang sardinas sa merkado. Kapag ganyan ang nangyari, tiyak na maapektohan ang mismong manufacturers.

Dapat busisiin ng Department of Trade and Industry (DTI) kung ano ba talaga ang nasa likod ng pagtataas na ito.

Huwag na nilang hintayin na isa-isang magsara ang mga pabrika ng sardinas at mawalan ng trabaho ang maraming manggagawa.

Aksiyon DTI!

HAKOT DAW MGA
PUMUNTA SA LUNETA?

Gud am! Sir jerry, lahat ng nagpunta sa Luneta eh hinakot sa mga barangay dahil nagbaba ng memo ang DILG sa bawat brgy na inaatasan sila na magpadala ng mga tao sa nasabing rally kaya wag nilang ipagmalaki kung marami ang pumunta.  Ang problma pera na nman ni Juan dela Cruz ang ginastos, ‘yan po ang change is coming. Ramon ng Cubao. 

+639351633 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Bigo sila Digong… o bigo sila!

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved