Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Epektibo ang ‘Tokhang’
Epektibo ang ‘Tokhang’

Epektibo ang ‘Tokhang’

LUMALABAS na inutil ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipinauubaya na niya sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatuloy ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ni Duterte na simula nang ihinto ng PNP ang Oplan Tokhang nitong 30 Enero, muling naging aktibo ang operasyon ng ilegal na droga at umabot sa 20 porsiyento ang pagtaas ng tinatawag na drug-related activities.

READ MORE:  Ang nakalululang P2.45-M Drafting of Cabuyao Public Private Partnership (ATTN: City Mayor, Atty. Rommel Gecolea)

Kinompirma mismo ni Quezon City Chief Supt. Guillermo Eleazar na ang kalakalan ng droga sa lugar na kaniyang nasasakupan ay muling bumalik, at ang mga adik at pusher ay tuloy na naman sa kanilang negosyo sa droga.

READ MORE:  24-oras checkpoint sa Las Piñas City

Kaya nga, kung talagang nais ng pamahalaan ni Duterte na magtagumpay ang kampanya laban sa droga, marapat lang na ibalik ang Oplan Tokhang.  At sa pagkakataong ito, kailangang pumili ng matitinong pulis si PNP Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na siyang bubuo para sugpuin ang giyera sa droga.

READ MORE:  Pagpapatalsik kay Digong

Hindi pa huli ang lahat, kailangan lang nang maayos na koordinasyon ng PNP sa mga barangay leaders pati na ang mga kagawad ng PDEA at military na siyang magpapakita ng agresibo at dedikadong pagkilos para sa kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved