Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mayor Lani to Sen. De Lima — Ipagdarasal ko siya
Mayor Lani to Sen. De Lima — Ipagdarasal ko siya

Mayor Lani to Sen. De Lima — Ipagdarasal ko siya

BILIB kami sa naging statement ni Mayor Lani Mercado nang matanong siya tungkol sa pagkakadampot kay Senador Leila de Lima dahil sa kasong may kinalaman sa mga “lagay sa droga.” Ang sinabi lang ni Lani, ”ipagdarasal ko siya.”

Iyan ang tamang attitude. Dapat hindi nagtatanim ng galit. Si Senador  de Lima, noong panahong Secretary of Justice pa siya ang nagpakulong kay Senador Bong Revilla na asawa ni Lani. Pero sa kabila niyon wala silang sinasabing masama. Ipinagdarasal pa siya ni Lani ngayon. Laging nakangiti lang naman si Senador Bong tuwing natatanong siya tungkol doon.

READ MORE:  Pagpapaalis kay Kim sa upuan, ‘di big deal
READ MORE:  Maricel, rumampa sa palengke

Ang sinasabi kasi ni Senador Bong, ”hindi ko alam dahil nandito na ako noong gumawa ang senado ng imbestigasyon tungkol diyan.”

Ganyan lang talaga ang buhay, parang gulong na umiikot. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Ang masama nga lang kung ang buhay mo ay magaya sa gulong ng tindero ng ice cream. Nasa ibabaw ka na, tatapakan ka pa.

READ MORE:  Pamilya Sotto, excited sa pagbubuntis ni Ciara Sotto!

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved