Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Finally Sharon-Gabby movie sa Star Cinema tuloy na tuloy na! (Shooting magsisimula na sa Marso)
Finally Sharon-Gabby movie sa Star Cinema tuloy na tuloy na! (Shooting magsisimula na sa Marso)

Finally Sharon-Gabby movie sa Star Cinema tuloy na tuloy na! (Shooting magsisimula na sa Marso)

DAPAT ay last January pa nag-start ang shooting ng reunion movie sa Star Cinema ng mag-ex at hottest love team noong 80s na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Pero dahil parehong naging busy sina Shawie at Gabo sa kani-kanilang mga proyekto sa magkabilang TV network ganoon din ang director ng movie ng dalawa na si Direk Cathy Garcia-Molina ay naurong ng March ang first shooting day nito.

Kinompirma mismo ni Direk Cathy sa recent interview sa kanya ni Kuya Boy sa “Tonight With Boy Abunda.”

We heard na handang gastusan ng Star Cinema ang proyekto nila dahil naniniwala sila, kasama ng kanilang director, na magiging blockbuster ito sa takilya. Halos dalawang dekada kasing naghintay ang fans ng dating mag-asawa at sabik silang mapanood uli ang mga idolo sa big screen.

Kung walang aberya, ang loveteam nina Julia Barretto at Joshua Garcia raw ang makakasama nina mega at Gabby sa gagawing movie kasama ng iba pang cast.

Hashtag #PelikulangInaabanganAtKinasa sabikanGyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved