Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 4-anyos sinilaban ng ama (Matapos sabuyan ng gasolina)
4-anyos sinilaban ng ama (Matapos sabuyan ng gasolina)

4-anyos sinilaban ng ama (Matapos sabuyan ng gasolina)

KALIBO, Aklan – Pinaniniwalaang dahil sa kalasingan kaya nagawa ng isang ama na saboyan ng gasolina, at silaban ang 4-anyos anak sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Bulabud, Malinao, Aklan, kamakalawa.

Inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Aklan Provincial Hospital, ang biktimang si Kent Luis Zausa, residente ng naturang lugar, nagkaroon ng mga paso sa braso, paa, at iba pang bahagi ng katawan.

READ MORE:  Liban ng SK polls aprub

Habang naaresto ang suspek na kanyang ama, na si Russel Zausa, 37-anyos.

READ MORE:  US$4,000 ‘natangay’ ng 2 pulis-Maynila sa turistang Kano

Ayon kay PO3 Claire Catuiran ng Malinao Police Women’s and Children’s Desk, naganap ang insidente nang umuwing lasing ang ama.

Makaraan makipagtalo sa kanyang misis, agad siyang kumuha ng gasolina na nakalagay sa bote, at sinabuyan ang loob ng kanilang bahay habang naroroon ang biktima, at pagkaraan ay sinilaban.

READ MORE:  NAPAHAGALPAK sa galak sina Social Welfare and Development Sec...

Ang ama ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top