Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JK Labajo, natural umarte
JK Labajo, natural umarte

JK Labajo, natural umarte

MAY Bisayan accent itong si JK Labajo na kasalukuyan nating napapanood sa seryeng A Love To Last ng Kapamilya Network.

May accent man, nananaig pa rin sa amin ang kanyang napakalakas na sex appeal at kinikilig kami sa kaguwapuhan nito huh!

READ MORE:  Dare to be Funtastyk promo ni Maine, hanggang Feb. 20 pa

In fairness sa binata, binatang-binata na nga siya at medyo hasa naman sa pag-arte. Hindi lang magaling kumanta ang binata kundi mukhang mahal na rin nito ang pag-arte sa harap ng kamera.

Kapag naalagaan ng mabuti si JK at nabigyan pa ng magandang role sa anumang proyekto, sigurado kaming aangat pa ang karera nito.

READ MORE:  Mystica, nangangailangan ng tulong

May eksena nga sa pelikulang Tatlong Bibe si JK na sobrang lumabas ang natural nitong pag-arte huh! Natural na natural ang pagbitiw nito ng kanyang mga linya na ikinatuwa naman ng direktor nitong si Joven Tan na magso-showing na sa March 1 sa mga sinehan nationwide.

READ MORE:  Panganganak ni Jolina, kumalat agad sa social networking sites

Well, abang-abang lang kami sa anupang mangyayari sa career ng binata. ‘Yun na!

REALITY BITES – Dominic Rea

COMMENTS

About Dominic Rea

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved