Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Talk of the town ang two piece!
Talk of the town ang  two piece!

Talk of the town ang two piece!

BELA Padilla reacted positively on Barbie Forteza’s revealing shots on the set of the GMA-7 primetime series Meant to Be.

Other Kapuso stars has openly raved about Barbie’s pics as well. Namely Jerald Napoles, Joyce Ching, Kris Bernal, Lovi Poe, Rochelle Pa-ngilinan, Sanya Lopez, and certified cuties Bea Binene.

Si Jerald is open with his admiration: “Hindi puwedeng palampasin ang re-post ng picture na ‘to… ready na po siya…hahahahaha! And I’m a proud friend!!! Slay mars @barbaraforteza!!! Congrats at NANALO NA!!”

Sa comments section ay naglagay ng emoticons si Bela ng smiley face na may heart. Visibly flattered, Barbie gushingly states, “Bela! Anubaaa! Idol kita eh!”

Matet de Leon, on the other hand comments, “Hanep” na sinagot naman ni Barbie ng “anubaaaa tetam!”

Sanya says Barbie is “sexy,” while Bea Binene posted: “Ay grabe naman tooo!’

Post ni Kris Bernal: “Ibang klase yung @barbaraforteza,” while Lovi Poe voices out her admiration by way of the caption, “Pak!! Sexy!”

Joyce Ching also joins the bandwagon of Barbie supporters by way of posting in her Twitter account: “Teka lang, iba to!! I’m so proud!!”

The much-talked about photos Barbie was taken on the set of Meant to Be last Monday, February 20, in a beach in Laiya, Batangas.

Hindi inaasahan ng mga tao na magsusuot ng bikini on national television si Barbie nagulat silang lahat. Her flawless skin tone has impressed so many people, along with her svelte and sexy body.

Hindi naman daw nahirapan ang produksi-yon na kombinsihin pa si Barbie para mag-two-piece swimsuit ito.

In an interview with 24 Oras, Barbie emotes: “Once na nabasa ko ang script na may ganitong eksena, nag-cut agad ako ng carbs. Wala agad carbs, maliit na chicken for protein lang at egg whites, tapos saging na saba.”

READ MORE:  Juday, positibo, buntis sa ikalawang pagkakataon!

Kaya naman summer came early at the primetime teleserye Meant To Be, and her four appealing leading men Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner, and Addy Raj.

If Barbie’s outfitted in a skimpy two-piece bikini, topless at naka-board shorts naman ang suot nina Ken, Jak, Ivan at Addy sa beach trip nila.

Naikuwento rin ni Barbie, sa mga episodes na mapapanood ngayong linggo lalabas kung ano ang iba’t ibang style ng panliligaw ng apat.

But when asked kung ano ang approved na style na panliligaw para sa kanya, she opines, “Sana sa lalaking mamahalin ko, sana bigyan nila ng value and importance ang family, saka gusto ko, gentleman sa akin.”

‘Yun nah!

TOM RODRIGUEZ, LOVI POE
GAGANAP BILANG SATUR
OCAMPO AT BOBBIE MALAY

Ngayong Sabado (Feb. 25), bilang pagdiriwang ng EDSA People Power Anniversary at bahagi na rin ng ikaapat na anibersaryo ng Wagas, isang natatanging kuwento ng pag-ibig at pakikibaka ang handog ng GMA News TV show tampok sina versatile Kapuso actor Tom Rodriguez at Kapuso Premier actress Lovi Poe.

Bibigyang-buhay nina Tom at Lovi ang love story ng activist couple na sina Satur Ocampo at Bobbie Malay.

Umusbong noong panahon ng Martial Law ang pag-iibigan ng mamamahayag at aktibistang sina Satur (Tom) at Bobbie (Lovi). Hindi nila akalaing ang parehong adhikain para ipaglaban ang kanilang bayan ang magiging daan upang mahanap nila ang taong magiging katuwang nila habang buhay. Sa gitna ng panganib at kaguluhan, makakatagpo sila ng mapayapang kanlungan sa isa’t isa.

READ MORE:  Sakang at piki, ‘di na kailangang ipa-opera

Isa si Satur sa mga nadakip, ikinulong, at walang awang ‘tinortyur’ noong panahon ng Batas Militar. Siyam na taon siyang pinahirapan sa loob ng piitan. Halos ikamatay niya ang pagkawalay kay Bobbie at sa kanyang pamilya. Ang na-ging tanging paraan ng komunikasyon nila ay mga patagong sulat o ‘coded letters.’  At nang duma-ting sa puntong akala nila’y mabubuo na ang kanilang pamilya at tapos na ang mahabang taon ng pagpapahirap at pagtitiis, hindi naman nagtagal ay sabay silang nahuli at parehong ikinulong sa mga kasong hindi nila ginawa.

Ilan lamang ito sa mga eksenang pupukaw ng damdamin at magpapaalab ng pagmamahal ng manonood hindi lamang para sa taong itinitibok ng kanilang puso kundi para rin sa bayan.

Abangan ang huling pasabog ng Wagas para sa ika-apat na anibersaryo ng programa nga-yong Sabado, 7:00 pm sa GMA News TV.

MAHIRAP KALIMUTAN
ANG PAGPATAY SA AMING
MGA PANGARAP NI BUBONIKA

Kahit yata ano’ng mangyari, mahirap kalimutan ang ginawang pagpatay sa aming mga pa-ngarap ng ulikbang si Bubonika.

Sa totoo, full of promise na ang show hosting career namin sa TV5 pero nang pumasok ang asal demonyang si Femi Chakitah, parang pinagsakluban kami ng langit at lupa.

Pailalim ang kanyang diskarte. Kunwa-kunwari’y hindi ang Juicy ang gusto niyang salihan pero ‘yun pala ang target niya at ini-request pang dapat daw ay umalis muna kami bago siya pumasok. Hahahahahahahahaha!

Para ba namang ang galing-galing niya ga-yong para siyang humal kung magsalita at makalumang-makaluma ang dating.

READ MORE:  The Greatest Love, ieere na sila sa Lunes

How gross! Hahahahahahahahahaha!

No wonder, when she took over, (nagmamadali talagang sumalpak sa ere mereseng wala pang isang buwan na naililibing ang kanyang ina, ang kapal! Hahahahahahahahaha!) the 6% rating that Juicy used to have, had plunged straight down to a measly .08%.

Ang cheap din, ba naman! Hahahahahahahahahahaha!

Sino ba naman kasi ang magkakainteres panoorin ang isang matandang halos bungalya ang dating, sooo big ang stomach (sooo big raw ang stomach, o! Hahahahahahahahaha!) at super baduy manamit at gumagamit ng tila nakalibing sa hukay na mga pananalita.

Gumagamit daw ng ng tila nakalibing sa hukay na mga pananalita, o! Hahahahahahahahahaha!

Kaya kahit ano ang gawin ni Fermi Chakitah ay to no avail.

Hindi na talaga bumawi ang show at kahit sino-sino na ang idinagdag ay zooming down talaga ang rating.

Ang ending, natigbak ang show nang hindi man lang nakapagbibigay ng good fight sa mga kalaban.

Pa’no, nagmaganda at feeling invincible kaya natigbak! Hahahahahahahahaha!

Anyway, right now, sa radyo na lang ang bungalyang matanda nagkakalat ng lagim dahil wala na talaga siyang market on national television.

Serves her right for being so cunning and shrewd.

‘Yun lang!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

COMMENTS

About Pete Ampoloquio Jr.

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved