Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sagot ni Kim sa pasaring ni Ellen — ‘Di ko kailangang makipag-intrigahan para pag-usapan
Sagot ni Kim sa pasaring ni Ellen — ‘Di ko kailangang makipag-intrigahan para pag-usapan

Sagot ni Kim sa pasaring ni Ellen — ‘Di ko kailangang makipag-intrigahan para pag-usapan

NAGDIWANG ng kanyang 20th birthday last week si Kim Domingo sa home for the aged na Blessed Home Care. Ikinatuwa ng mga Lolo’t Lola roon dahil dinalhan sila ng masarap na pagkain, individual gifts, at inawitan ng celebrant who came with her basketeer-BF.

Tinanong namin si Kim kung nairita ba siya sa mga pasaring ni Ellen Adarna.

Ayon kay Ellen, siya ang favorite covergirl ng isang magazine for men at hindi si Kim. Pinintasan pa nito ang katawan ni Kim na –SPD (salamat po doktor) o likha ng sining.

“Wala akong paki sa kanya. Basta ako, sa trabaho naka-focus ang mata. ‘Di ko kailangang makipag-intrigahan para pag-usapan,” sabi Kim.

Alaga naman siya ng longest running comedy-gag show na Bubble Gang na mayroon siyang sariling segment titled Patikim Ni Kim.

Tampok ang mga katawa-tawang gags sa BG ang Pareng Roger,  Invisible Man, Balitang Ina, Sino Nga Ba?, at Reunion.

KUROT LANG – Nene Riego

COMMENTS

About Nene Riego

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved