Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Tatak “drug free” ng DILG makatutulong kaya sa war on drugs?
Tatak “drug free” ng DILG makatutulong kaya sa war on drugs?

Tatak “drug free” ng DILG makatutulong kaya sa war on drugs?

Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueño, Sir, tingin ba ninyo ay makatutulong ‘yan sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte?

‘Yung tatakan ng “DRUG FREE” sticker ang mga bahay na hindi sangkot sa ilegal na droga?

Ikalawang tanong, ano ba ang mas marami, ‘yung sangkot sa ilegal na droga o ‘yung hindi nakikisangkot?

Paano kung hindi ninyo matatakan ang mga bahay na hindi naman sangkot sa droga?!

At natatakan naman ang bahay na mayroong sangkot sa ilegal na droga? Paano kung nagbago na?

Mabubura pa ba ang ‘stigma’ na nilikha ng tatakan na ‘yan?!

Kung ano-ano na lang talaga ang naiisip ng mga opisyal ng pamahalaan, masabi lang na tumutulong kuno sila sa war on drugs ni Pangulong Digong.

E Secretary Mike Sueño, unahin n’yo kayang busisiin ‘yung mga nagpapakilalang bagman ng DILG sa mga ilegalista?!

Sila ang una ninyong atupagin Mr. Secretary.

Baka sakaling sa pamamagitan ng pagbusisi ninyo sa mga aktibidad nila ay makatukoy kayo ng malaking drug lord.

At kapag nangyari ‘yun, tiyak nakatulong kayo nang malaki sa war on drugs ni Tatay Digs.

Puwede ba, Mr. Secretary?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Porsiyento sa OVR tickets nakatkong sa MTPB admin ofc?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved