Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Online gambling permit ni Kim Wong dapat bawiin ng PAGCOR at ni Domingo

Online gambling permit ni Kim Wong dapat bawiin ng PAGCOR at ni Domingo

00 Kalampag percyKADUDA-DUDA ang nakabibinging pananahimik ni Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) chair Andrea ‘Didi’ Domingo sa nabulgar na 30 permit sa offshore online gambling na kanyang inaprobahan.

Walang ibinibigay na paliwanag si Chairman Domingo kung ano ang naging pamantayan o basehan na ginamit ng PAGCOR sa mga naaprobahan nilang permit para sa online gambling operation sa bansa, isa rito ang kompanyang EASTERN HAWAII LEISURE CO., LTD.

Inakusahan ang PAGCOR ng pag-abuso sa paggagawad ng prangkisa at permit sa online gambling business sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Richard ‘Dick’ Gordon noong nakaraang linggo.

Ayon kay PAGCOR president Alfredo Lim (katokayo lang ni legendary Mayor Alfredo S. Lim), si Domingo ang may kapangyarihan na mag-aproba ng mga permit sa online gambling.

Kaya naman may panukalang bawian at tanggalan ng kamandag ang PAGCOR sa paggagawad ng prangkisa sa online gambling o anomang uri ng pasugalan.

READ MORE:  Sabi ni Vice President Binay vs accusers...

Sa batas kasi ay talaga namang kongreso lamang ang tanging may kapangyarihan na makapaggawad ng anomang uri ng prangkisa.

Hindi rin nagpapaliwanag si Domingo kung bakit hindi inaprobahan ang ibang kompanya na kumukuha ng permit kahit kompleto sa pasilidad at pasado sa hinihinging requirements ng PAGCOR.

Ang Eastern Hawaii Leisure Co., Ltd. na nakapangalan daw sa anak ng controversial Chinese ‘businessman’ na si  Kam Sin Wong  a.k.a. Kim Wong pero nakapagtatakang napagkalooban ng prangkisa o permit gayong mantsado ang reputasyon ng kompanya sa $81-M money laundering scam na ninakaw sa Bangladesh Bank, ang itinuturing na pinakamalaking krimen sa kasaysayan ng online hacking sa mundo.

Noong August 23, 2001, si Kim Wong ay naimbestigahan ng Senado sa pagpapakalat ng illegal drugs sa bansa.

May kapalit ba o may mga nagdidikta ba kay Chairman Domingo at sa PAGCOR kaya hindi nila puwedeng tanggihan si Kim Wong?

READ MORE:  Ba’t sa PDEA walang napapatay, e sa PNP...bakit?

Hindi ba’t ang dapat gawin ni Chairman Domingo ay kanselahin ang lahat ng permit, lisensiya o prangkisa na naaprobahan ng PAGCOR?

Ano kaya ang masasabi ni Meynard na dating tauhan ni Chairman Domingo sa Bureau of Immigration (BI)?

Abangan!!!

‘PAYOLA MASTER’
NA SI ‘BAMBUKOL’
SIBAK SA CITY HALL

MALUNGKOT na nagpaalam ang ‘payola master’ ng Public Information Office (PIO) sa Manila City Hall nitong Lunes.

Siya si “Bambukol,” ang nakatokang tagapamahagi ng payola sa media contacts ng disinformation office ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa Manila City Hall.

Hindi man nabanggit ng mokong sa kanyang ipinadalang text blast ang dahilan ay natitiyak nating tungkol na naman sa pera ang dahilan.

Matagal nang isinusuka ang damuhong si Bambino Santisima dahil sa sakit na pambubukol ng pondo na kung ‘di man binabawasan ay hindi nakararating sa kinauukulan.

READ MORE:  Mga talangka at intrimitido sa gobyerno

Matagal na kasing notorious ang damuho kaya nga ‘barberong manggugupit’ ang tawag sa kanya, isang klasikong ehemplo ng nilalang na kailanma’y hindi mapagkakatiwalaan pagdating sa pera.

Ang pagiging ganid sa kuwarta rin ang dahilan kung bakit si Bambino ay ilang beses nang nasapak habang umoorbit sa Bureau of Customs (BOC) at sa panahon na si dating mayor Lito Atienza pa ang nakaupo sa Manila City Hall.

Sa mga hindi naman napadalhan ng text ni Bambino, pansamantala ay direkta na raw muna ang kubra, ‘este, ang punta sa tanggapan ni Diego Cagahastian para sa ‘pampatalino.’

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

COMMENTS

About Percy Lapid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved