Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kapag sugal sa casino, legal pero kapag sugal-lupa ilegal?
Kapag sugal sa casino, legal pero kapag sugal-lupa ilegal?

Kapag sugal sa casino, legal pero kapag sugal-lupa ilegal?

Umarangkada na nga ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa tinatawag nilang illegal gambling.

Pero mukhang ang abot lang ng mga operatiba ng PNP ay hindi malakihang ilegal na sugal kundi sugal-lupa lang.

‘Yung mga cara y cruz, numbers game, colors game, video karera at iba pang itinuturing na sugal-lupa ang unang-unang inopereyt ng mga operatiba ng PNP.

‘Yang sugal-lupa, barya-barya lang…piso-piso pinakamalaki na ang P100 na matalo riyan.

‘E ‘yung mga casino, hindi ba ilegal ‘yan?!

Sa casino, mahina ang P5,000 puhunan pagpasok mo pa lang diyan.

Ilan na ba ang nalubog at nalugmok sa casino?!

Ang nasirang pamilya dahil sa casino? Bumagsak na negosyo dahil sa casino?

Hindi na mabilang…

Kapag maliitan, ilegal? Kapag bigtime gaya ng casino legal?!

Ganyan din ba sa droga? Kapag shabu at marijuana ilegal. Kapag cocaine at ecstacy hindi ma-tokhang?!

Hindi kaya nagiging ipokrito tayo pagdating sa isyu ng sugal?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  Magkano ba ang “parating” sa PCP Lawton, MASA at MTPB ng illegal terminal sa Lawton?

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved