Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Gov. Umali ipinagbawal pagputol at pagbiyahe ng Coconut tree (Sa Oriental Mindoro)
Gov. Umali ipinagbawal pagputol at pagbiyahe ng Coconut tree (Sa Oriental Mindoro)

Gov. Umali ipinagbawal pagputol at pagbiyahe ng Coconut tree (Sa Oriental Mindoro)

NAGLABAS ng Executive Order (EO) No. 85 si Oriental Mindoro Governor  Alfonso V. Umali, Jr., para sa pansamantalang pagpapatigil sa pagpuputol ng niyog at paglalabas sa ibang lugar ng mga coco lumber sa lalawigan.

Ito ay dahil sa napakaraming puno ng niyog ang nasalanta ng nagdaang bagyong Nina na halos ikaubos nito.

READ MORE:  Davao Sur Mayor nabagok, tigok

Sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 150,000 board feet puno ng niyog ang nasira. Kung ito ay susumahin, malaki ang nasira sa industriya ng niyog na isa sa malaking nag-aambag sa ekonomiya ng Oriental Mindoro.

Sa bisa ng EO, at binuong Task Force na magmo-monitor sa pagpapatupad ng nasabing batas hinggil sa pagpuputol at pagbibiyahe ng mga coco lumber.

READ MORE:  Probe vs RAC sa Maynila iniutos ng DSWD (Sa ulat na malnutrition)

Ang binuong Task Force ay makikipag-ugnayan  sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor upang mapigil ang mga pagpuputol at pagluluwas na walang pahintulot mula sa pamahalaang lokal.

READ MORE:  Kita sa PAGCOR ilalaan sa health, education sector

Ayon kay provincial administrator Nelson B. Melgar, hihigpitan ng mga ahensiya ng gobyerno tulad  ng Philippine Coconut Authority (PCA) ang pagbibigay ng “permit to cut” ng coco lumber operators nang sa gayon ay mas higit na makinabang ang mga Mindoreño sa darating na mga panahon.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved