Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga lumang artista, binuhay ni Coco
Mga lumang artista, binuhay ni Coco

Mga lumang artista, binuhay ni Coco

PALIBHASA hindi namin napapanood gabi-gabi ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya hindi namin alam na pawang datihang artista na ang ka-eksena ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Ang kasama namin sa bahay ang avid viewer ng aksiyon-serye ni Coco kaya tinanong namin kung ano na ang nangyayari sa programa at natawa kami sa sagot sa amin.

“Hayun, puro lumang artista na ang mga nasa ‘Probinsyano’, nabuhay na sila,”kaswal na sagot sa amin.

READ MORE:  Jericho at Arci, nagkakatawanan sa kanilang mapanuksong eksena

Oo, sinadya iyon ni Coco na pawang datihang artista ang isama sa Ang Probinsyano para mabigyan sila ng exposure at mapansin ng ibang producers na puwede pa silang tumanggap ng proejcts.

Halos lahat naman ng datihang artistang isinama ngayon ni Coco sa AP ay pawang magagaling pa ring umarte maski na hindi na sila gaanong aktibo katulad nina Ronnie Lazaro, Jeric Raval, Michael De Mesa, Jake Roxas, Sonny Parsons at iba pa.

READ MORE:  Lea, nakapag-record na Dyesebel theme song!

Isipin mo, Ateng Maricris, ibig sabihin hindi sila nangalawang sa pag-arte kahit na nawawala na sila sa industriya. Iisa lang ang ibig sabihin, ang tunay na magaling na artista kahit na ilang taon pang nahinto sa pag-arte, sadyang lumalabas pa rin ang galing.

READ MORE:  Kim, posibleng mag-concentrate sa comedy (kaya goodbye Xian na)

Lalo na kung nahawakan sila ng magagaling na direktor ngayon tiyak na hindi sila mahihirapan, perfect example na nga si Sam Pinto na hindi naman gaano marunong umarte ay maski paano mayroon na ngayon sa Ang Probinsyano bilang si Sexy na may gusto kay Baby Boy na bagong bansag kay Coco, ha, ha, ha.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved