Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bugoy Cariño, isinama sa Hashtags, isa na ring Kilig Ambassador
Bugoy Cariño, isinama sa Hashtags, isa na ring Kilig Ambassador

Bugoy Cariño, isinama sa Hashtags, isa na ring Kilig Ambassador

KADALASAN kapag nasa adolescent stage na ang isang batang artista ay nawawala dahil sa awkward stage pero hindi mangyayari iyon kay Bugoy Cariño na grumadweyt na sa Goin’ Bulilit dahil kasama na siya sa grupong Hashtags.

Sa madaling salita tuloy-tuloy pa rin ang exposure ni Bugoy dahil nagdagdag ng bagong miyembro ang Hashtags kasi nga naman hindi na sila nakukompleto dahil karamihan sa kanila ay may tapings o shootings na.

READ MORE:  Jane, mas nakaka-motivate pa raw kay Jeron

Mahusay talagang sumayaw si Bugoy kaya kinuha siyang kilig ambassador ng grupo.

Aniya, ”hindi na bago sa akin ang pagsasayaw at showbiz. Pero itong maging kilig ambassador, ibang Bugoy ang makikita niyo.”

READ MORE:  Paulo, bumida na sa The Promise of Forever

Makakasama rin ni Bugoy sina dating Pinoy Boyband Superstar contestant na siWilbert Ross, Maru Delgado, CK Kieron, Kid Yambao, Rayt Carreon, Vitto Marquez, at Franco Hernandez.

READ MORE:  Negosyante na si Boy 2 Quizon

Kasama pa rin ang original na Hashtag members na sina Zeus Collins, Jimboy Martin, McCoy De Leon, Nikko Natividad, Tom Doromal, Jameson Blake, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ryle Santiago, Luke Conde, at Ronnie Alonte.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved