Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Niño, naiyak sa 7th birthday celeb ni Alonzo
Niño, naiyak sa 7th birthday celeb ni Alonzo

Niño, naiyak sa 7th birthday celeb ni Alonzo

TEARS of joy. Ito ang nakita namin nang hingan ng pananalita si Niño Muhlach sa pagsisimula ng 7th birthday ng kanyang anak na si Alonzo na ginanap sa Circle of Fun, Quezon City Circle, Quezon City kahapon.

Ikinatuwa ni Onin (tawag kay Niño) na kahit kabi-kabila ang commitment ng kanyang anak (paglabas sa Your Face Sounds Familiar: Kids, paglabas sa pelikula at iba pa), consistent honor pa rin ang kanyang anak.

Aniya, ”Pag party talaga ni Alonzo,  pinaghahandaan ko. Kasi sulit talaga. Kahit kabi-kabila ang commitment niya, hindi niya napapabayaan ang pag-aaral, lagi pa rin siyang first honor.”

Kasama ni Onin si Alonzo habang nagsasalita sa stage gayundin ang anak nitong siAlessandro at ang asawang si Abby Tupaz.

Kompleto ang pamilya ni Nino sa birthday party na dinaluhan din ng kanilang mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, mga kasamahan sa Your Face Sound Familiar Kids na sina Awra Briguela, AC Bonifacio, Justin Alva, Sam Shoaf, mga kaklase ni Alonzo sa La Salle Greenhills at marami pang iba.

READ MORE:  Jodi at Bridges of Love, nominado sa Emmys

Napakabongga ang selebrasyong iyon na may temang Carnival na umaabot sa 350 ang guest na ine-expect ng pamilya Muhlach.

021917 alonzo Muhlach bday
Bukod sa sangkaterbang pagkain, mayroong rides, palaro, magic show, at napakarami ring giveaways. Mayroon ding booth ang mga ineendoso ni Alonzo at siyempre naroon din ang mga mascot ng McDonalds. At  ang pinaka-highligh ng birthday na iyon ay ang fireworks. Nagsilbing host sina Eric Nicholas at Bob Jbeili.

Sa pakikipag-usap namin kay Onin, natanong ito ng isang kasamahan sa manunulat kung hindi ba siya na-deprive sa children party kaya ganoon ang ginagawa niyang paghahanda para sa anak? Sagot ni Nino, ”Hindi naman, pero hindi ganitong party. I have two big parties noong one year old and seven yata pero ang party ko hindi children, adults kaya iba ‘yung children party noong araw eh. Mommy ko lang ang nag-eenjoy.”

READ MORE:  Marlo, lumipat na kay Gaffud

At tulad ng ibang magulang, gusto rin ni Nino na maging espesyal ang 7th birthday ng anak. ”Lahat tayong mga Filipino tina-try nating paghandaan ang birthday ng anak natin. Talagang deserving talaga si Alonzo and I really want to give him the best talaga.”

Anang isang kasamahang writer na laging nakakadalo sa birthday ni Alonzo, laging malaki at talagang pinaghahandaan ng kaarawan ng batang actor.  Na ayon kay Nino, naa-appreciate iyon ni Alonzo dahil down to earth at simpleng bata lang ang kanyang anak. Tulad din ng ibang normal na bata si Alonzo.

Ang wish ni Onin sa kanyang anak, ”sana maging tuloy-tuloy an gang ginagawa niya, maging humble and maging mabait na bata, masunurin. Simpleng wish lang na tulad ng mga hinihiling natin (mga magulang) para sa mga anak natin.”

Napag-alaman pa naming hindi naman inire-request ni Alonzo na magkaroon ng malaking birthday celebration. ”Hindi niya hiniling. Kumbaga, he deserves this lang,” sagot ni Onin.

READ MORE:  Arci, namangha sa kahulugan ng extra service

Ukol naman sa paglabas ni Alonzo sa Your Face Sounds Familiar: Kids, sinabi ni Onin na okey lang sa kanya kung kulelat ang kanyang anak.

“Sobra ang pagka-proud ko sa ank ko. Siyempre, kahit hindi siya nananalo, kahit last pa siya, hindi naman siya singer at saka siya ‘yung pinakabata roon, nag-eenjoy lang siya.”

Sa kabilang banda, nakita rin naming dumalo sa 7th birthday ni Alonzo ang pamilya ni Benjie Paras kasama ang kanyang asawa at bunso nilang baby pa at actor na siAndre Paras, LJ Moreno kasama ang dalawang anak gayundin sina Raikko Mateo, Mutya, Miel at Miguel Pangilinan (anak nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan), Jao Mapa kasama ang kanyang asawa at mga anak, at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved