Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Aprub sa panukala ni Cong. Gatchalian
Aprub sa panukala ni Cong. Gatchalian

Aprub sa panukala ni Cong. Gatchalian

Dear Sir:

Maganda po ang panukala ni Valezuela City 1st District Rep. Wes Gatchalian sa kanyang isinusulong na batas na huwag pagbayarin ng estate tax ang mga kaanib ng AFP at PNP.

Isa pong malaking kaalwanan sa aming pamilya kung ito ay makapapasa sa kongreso at senado.

Malaking tulong po ito sa aming gastusin. Hindi po kaila sa atin na lumalaki ang gastusin ng pamilya kung tumataas ang presyo ng pangunahing bilihin, at gastusin sa pag-aaral ng aming mga anak.

Sana makita po ninyong mga nagsusulong ng batas ang aming paghihirap at mga tiisin kapag ang aming mga mahal sa buhay ay nakadestino sa lugar na mapanganib.

Ang buhay po ng sundalo at pulis ay laging nanganganib laban sa mga kaaway ng batas at higit sa lahat laban sa mga terorista.

Ito ang tanging propesyon na ang buhay ang kapalit sa kanilang pagseserbisyo sa bayan. Mas kanilang inuuna ang bayan bago ang kanilang pamilya.

BARBARA A. ALBA
Muntinlupa City
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS
READ MORE:  BI rank & file employees happy sa pamamalakad ni AC Gilbert Repizo

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved